^

Pang Movies

Angel, malaki na ang investment sa swab

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Angel, malaki na ang investment sa swab
Angel

Positibo ang isip ni Angel Locsin na isang araw ay matatapos na rin ang lahat ng mga paghihirap ng mga tao, at takot dahil sa COVID-19. Alam ni Angel na delikado, at para matiyak na walang madadamay na mga mahal sa buhay, bukod sa mga kasama niya sa trabaho, sinasabi nga niyang sumasailalim siya sa isang swab test bago magpunta at pagkatapos ng shooting. Iyan ay kasiguruhan nga naman na wala siyang dalang infection sa set, at wala naman siyang iuuwing infection sa bahay.

Hindi lang napakagastos, kundi mahirap ang ginagawang iyan ni Angel, para lamang masipot niya ang kanyang trabaho at makauwi sa bahay na panatag ang isipan. Hindi makakayanang gawin iyan ng isang karaniwang tao lalo na iyong mga walang masyadong pinagkakakitaan. Sa panahong ito na napakarami na nga ang walang trabaho, at marami na nga ang nagugutom, papaano mo namang uunahin ang napakagastos na swab test.

Isa pa, ngayon may lumabas na kaso sa Amerika na dahil sa swab test, nagkaroon daw ng leak ang brain liquids ng isang babae, na naglalagay sa kanya ngayon sa mas delikadong posibilidad ng infection. May peligro rin pala iyang pagsundot-sundot na ganyan sa ilong.

Pero para nga sa isang taong kagaya ni Angel, na maraming kailangang asikasuhin sa buhay, wala siyang ibang choice dahil hindi naman siya puwedeng mag-quarantine na lang.

Sana nga matapos na ang pandemyang ito. Sana nga may lumabas nang gamot laban sa sakit na ito, dahil kung mangyayari iyan, ang COVID ay magiging kagaya na lang ng karaniwan nating trangkaso, na naging pandemya rin noong araw.

Sana mangyari na ang wish ni Angel, na matapos na ang lahat ng ito.

DJ Laila at Mon, magka-tandem sa umaga

Simula noong mag-lockdown noong Marso, hindi na namin narinig at napanood ang aming paboritong DJ na si Laila Chikadora. Pero simula sa Lunes, Oktubre 5, maririnig na siya ulit at mapapanood rin sa Radyo 5, mula alas-kuwatro ng umaga hanggang alas-sais. Kasama pa niya ang isa pa naming kaibigan, si Mon Gualvez. Ang tawag sa kanila ngayon ay Team LaMon.

Napakarami raw nilang inihahandang segments, pero ang karamihan sa pag-uusapan ay ang “new normal.” Sabi pa sa amin ni Laila, “tiyak na mabubusog ka sa inihanda ng LaMon.”

Masayang pakinggan si Laila sa umaga, tiyak na matatawa ka. Maganda ang simula ng araw mo. Gumising kayo nang mas maaga nang kaunti pa, pakinggan ninyo sila. Nasa 92.3 FM sila sa radyo, at kung kayo ay naka-Sky Cable, Channel 10 sila. Sa Cignal sila yata ang Channel 1.

Male star, nagpapasilip ng abs para makakuha ng mga sponsor

Hindi raw masasabing “career move” lang o para sa kanyang career ang laging paglabas ng isang male star na “stripped to waist” at maipakita ang kanyang abs. “Style” rin daw iyon para makakuha siya ng “sponsors.”

Aba marami palang nakukuha sa “sponsors” at talagang napagkakakitaan din. May “sponsors” daw kasing humihingi rin ng “personal appearance” at sa mga ganoong kaso, malaki siyempre ang bayad sa “bawat spot.”

Bilib din kami doon sa nagkuwento sa amin, isipin mong maiugnay niya sa “sponsors” ang mga ganoong bagay, at eksakto nga naman ang dating ng mga deal.

Pero marami na bang “sponsor” ang male star na iyan? Alam naman kaya iyan ng kanyang “main sponsor?”  Iyon ang hindi nasagot ng aming source.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with