_pang-masa
^

Pang Movies

Erik matindi ang hugot sa Walang...

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinatunayan ulit ni Erik Santos na siya ang King of Teleserye Theme Songs sa tagos-pusong rendisyon niya ng Walang Hanggang Paalam para sa pinakabagong Kapamilya primetime teleserye na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Arci Muñoz, at Angelica Panganiban. 

Bagay sa hugot ng kanta ang komplikadong relasyon ng mag-ex na sina Celine (Angelica) at Emman (Paulo) na nagtagpo uli dahil sa isang pangyayaring sangkot ang anak nila, matapos ang masakit nilang nakaraan na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ang contemporary pop music icon na si Joey Ayala ang orihinal na nagsulat at kumanta ng awitin, na ngayon ay mas nagpapainit sa mga kaabang-abang na tagpo sa serye na mapapanood sa Kapamil­ya Channel at pwedeng i-stream sa Kapamilya Online Live at iWantTFC. 

“Thank you so much for all the wonderful feedback on #WalangHanggangPaalamOST Nakakawala ng pagod at nakakasaya ng puso,” tweet ng Kapamilya singer.

Bukod sa solong bersyon ni Erik, nag-release din ng sarili niyang bersyon ang batang singer-songwriter na si Lian Kyla. May duet din ang dalawa na lalong nagpalabas ng galing nila sa pagkanta.

Pakinggan ang solo at duet versions nina Erik at Lian Kyla ng Walang Hanggang Paalam sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa iba pang detayle, i-like ang Star Music sa Facebook (www.fb.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Shaira Diaz, gaganap na viral frontliner

Isang napapanahong fresh episode ang handog ng Magpakailanman ngayong Sabado, October 3.

Gaganap si Shaira Diaz bilang si Lorraine Pingol, isang nurse na nag-viral kamakailan matapos niyang tulungan ang isang babaeng nanganak sa kalsada.

Tampok din sa episode sina Yayo Aguila, Anthony Rosaldo, at Luis Hontiveros.

Mas kilalanin si Lorraine sa Viral Frontliner: The Lorraine Pingol Story ngayong Sabado ng gabi, 8:15 p.m. sa #MPK.

Hatid ng rising TikTok star ang bagong atake sa “Bakit Pa Ba” classic ni Jay R

Bagong single ni JMKO, sa kanyang Tiktok mini-concert muna maririnig

Ilulunsad ng singer-songwriter at ngayon ay isa na ring TikTok sensation na si JMKO ang bago niyang single na Bakit Pa Ba sa kanyang mini-concert na #JMKOSessions na eksklusibong mapapanood sa TikTok sa darating na Oktubre 9 (Biyernes).

Aawitin ng Star Music artist ang kanyang orihinal na atake sa OPM hit na  Bakit Pa Ba na unang kinanta ng R&B royalty na si Jay R noong 2003. Hatid ng bagong single na mismong si JMKO ang nag-arrange ang emosyonal na ballad feels sa tinaguriang R&B classic.

Dinadala ng kanta ang mga makikinig sa madam­daming pagsisisi at paghiling sa kapatawaran at pangalawang pagkakataon mula sa taong minamahal.

 Mayroon nang 1.6 million followers sa TikTok si JMKO sa kasalukuyan. Patok sa sikat na video-sharing app ang kanyang Popcorn Duets, Duet with Me, at mashup videos na talaga namang ikinatutuwa at ginagamit ng TikTok users mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Bilang regalo sa kanyang followers, unang beses niyang ipaparinig ang Bakit Pa Ba sa TikTok bago ito ilabas sa digital music platforms.

Si JMKO rin ang umawit ng kantang Aahon, ang ginamit namang soundtrack ng  The Story of Yanxi Palace para sa Philippine airing nito.

 Abangan ang virtual mini-concert na #JMKOSessions sa TikTok @jmko_music ngayong Oktubre 9 (Biyernes).

ERIK SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with