Claudine, ayaw pakialaman ang lovelife ni Raymart
Claudine
Claudine, ayaw pakialaman ang lovelife ni Raymart
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 2, 2020 - 12:00am

Ano kaya ang reaction ni Claudine Barretto sa balitang hindi lang nagkakamabutihan, kundi seryoso na ang relasyon nina Raymart Santiago, kanyang former husband, and in demand actress, Jodi Sta. Maria.

Kung sabagay, kahit noong may balitang girlfriend diumano si Raymart na isang pinsan ni Rep. Loren Legarda, si AC Legarda, executive ng Ayala Corporation, tikom lang ang kanyang bibig.

Obviously, ang mahalaga kay Claudine, nananatiling ideal dad to their two kids si Raymart.

In the case of Jodi, friends sila ng dating GMA 7 talent na si Iwa Moto, who is pregnant with her second child with Jodi’s former husband, Pampi Lacson.

Jodi’s only son with Pampi, Thirdy, is now a teenager.

Juday at Gladys, hindi nagbago ang samahan

Ang ganda both ng kalagayan bilang may asawa nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.

Both claim as well na mababait at responsible ang kanilang mga asawa.

Married for more than 10 years now si Judy Ann kay Ryan Agoncillo. Si Gladys, for almost the same number of years, kay Christopher Roxas.

Pawang good looking din ang kanilang mga anak. Sina Judy Ann at Ryan have three. Apat naman ang kina Gladys at Christopher.

Nagsimula both at the same time sina Judy Ann at Gladys sa pag-aartista. They were both in their pre-teens when they played the title roles in the long-running series, Mara Clara. While bida si Judy Ann, kontrabida naman si Gladys as Mara. “But, in real life, we were best friends,” ani Gladys. “And until now, we still are.”

Which cannot be said, of course, Salve A., ng ibang talents, na matagal ding nagkasama sa showbiz, at kung ilang ulit pang gumawa ng projects together.

Well, let’s not name names.

Raffy, Cheryl at Luchi, walang duda ang kahusayan

Impressive ang naganap na Zoom mediacon ng TV5 for their news program, Frontline Pilipinas.

Ang gagaling sumagot sa mga tanong ng media ang tatlong anchors ng programa, sina Raffy Tulfo, Cheryl Cosim at Luchi Cruz-Valdes.

Kung sabagay, matitino at relevant naman ang mga tanong na binato sa kanila ng members of the media na imbitado.

It was later that we learned that both Ms. Luchi and Cheryl started their broadcasting careers with ABS-CBN.

In the case of Mr. Raffy, although nagkaroon siya ng ilang radio shows sa isang radio station, TV5 has always been home to him.

He now operates his own YouTube channel, where he reportedly has millions of followers.

No wonder, at the presscon, he was asked how much he is worth.

Kaya, would you know, how much.

Ruffa, aliw na aliw sa KathNiel

Aliw daw si Ruffa Gutierrez na mapasama sa new digital movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, The House Arrest of Us.

Ang ganda raw pagmasdan nina Kathryn at Daniel.

In her younger time raw, ayon kay Ruffa, she has never had a loveteam. Although, na-link siya both kina Zoren Legaspi at John Lloyd Cruz.

Katatapos lang lumabas sa series na Love Thy Woman si Ruffa, where she played the third woman in Christopher de Leon’s life.

Which, she said, she is grateful she never experienced in real life.

JODI STA. MARIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with