Raymart at Jodi, pareho ang karanasan!
Raymart at Jodi
Raymart at Jodi, pareho ang karanasan!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 2, 2020 - 12:00am

Isa si Raymart Santiago sa masasabi naming artistang naging kaibigan namin. Isipin naman ninyo, bata pa si Raymart, kasama na iyan ng erpat niyang si direk Pablo Santiago, na naglalaro pa at patakbo-takbo sa shooting.

Nang unang pumasok sa showbiz bilang si Raymart, noong teenager na siya nasundan din namin, hanggang sa mas makilala siya bilang isang action star kalaunan.

Mabait na bata iyang si Raymart, at siguro nga kung nagkaroon man ng controversy ang kanyang love affair, o married life, hindi naman sa kinakampihan namin siya, pero palagay namin hindi niya deserve ang ganoong mga problema.

Maraming sinasabing mga paninira tungkol kay Raymart, pero ang magandang relasyon niya sa kanyang mga anak ang patunay na naging mabuting ama naman siya sa mga iyon. Hindi maliwanag kung ano ang pinag-ugatan ng mga problema nila nang pinakasalan niyang si Claudine Barretto, pero noong panahong iyon, maski na si Gretchen na kapatid ni Claudine ay kumampi kay Raymart.

Anyway, maayos na nga siguro iyon dahil pareho naman silang humingi ng annulment ng kanilang kasal.

Kaya namin nababanggit iyan ngayon ay dahil sa isyung sila na ni Jodi Sta. Maria na unang napabalita dito sa Pang Masa. Ganoon din naman ang buhay ni Jodi. Nakapag-asawa na siya, may isang anak na lalaki, nahiwalay at kumuha ng annulment.

Kung nagkakasundo man sila ngayon, kung sabihin na nga nating sa ngayon ay in love sila sa isa’t isa, naniniwala kami nasa tamang edad na sila at naiintindihan na nila kung ano ang kanilang pinapasok.

Pareho na rin naman silang nagkaroon ng karanasan, nag-asawa at nahiwalay, siguro ngayon kung gagawa sila ng desisyong iyan, magiging matibay na ang pagsasama nila.

Singer na nagbigay ng magagandang kanta noon, pumanaw na

Para sa mga halos kasing edad namin, tiyak na naging bahagi ng kanilang kabataan ang musika ng Australyanong singer na sumikat sa buong mundo, si Helen Reddy. Si Helen ay namatay na noong isang araw sa edad na 78, sa kanyang tahanan sa Los Angeles, California.

Sa buong mundo, sumikat ang kanyang kantang I Am a Woman noong 1972, at ginawa pa ‘yang isang pelikula na batay din sa kanyang buhay noong 2009. Pero dito sa Pilipinas, ang mas sumikat na kanta niya ay kasama rin sa album na iyon noong 1972, ang I Didn’t Mean to Love You. Naging matindi rin ang dating ng kanyang version ng You and Me Against The World.

Noon pang 2015, sinasabing nagkaroon na ng dementia si Helen.  Kung inaakala ninyong parang nag-uulyanin lamang, may masamang epekto ang sakit na ‘yan.

Naalala lang namin at gusto naming magpasalamat kay Helen Reddy dahil sa mga magagandang awitin niya. Talagang ang kanyang musika ay naging bahagi ng aming kabataan.

RAYMART SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with