Top actor ng Star Magic, may susundan sa Viva?!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 2, 2020 - 12:00am

May isang top actor ang Star Magic ang sinasabing aalis na rin daw sa talent management division ng ABS-CBN.

Wala pa namang ibang talent management company na sinasabing lilipatan ang top actor.

Dahil kaya naka-lock in pa sa taping ng isang new show ng Kapamilya network si top actor, kaya hindi pa niya sinasabi kung saang talent management company?

Ang duda naman ng nagtsika sa akin, sa Viva Artists Agency lilipat si top actor na sinasabing aalis na sa Star Magic.

May susundan ba siya sa VAA?

Well, tsika pa lang naman ‘yon, malay naman natin at baka may nang-iintriga lang kay top actor, ‘noh?!

‘Yun na!

Role ni Ruffa ibinagay sa kanyang edad

Alam mo, Ateng Salve, naaliw naman ako sa pakikipagtsikahan sa ilang mga kasamahan natin sa entertainment press the other night.

Ang sey kasi ng kasamahan nating si Jerry Olea, may mga nagtatanong daw kung bakit pumayag si Ruffa Gutierrez na gumanap na nanay ni Kathryn Bernardo sa digital movie series ng Star Cinema, ang The House Arrest of Us, na kasalukuyan nilang sinu-shoot ngayon sa Batangas.

Bakit naman hindi, sagot ko naman kay Jerry.

Actually, akala yata ng iba ay hindi puwedeng maging anak ni Ruffa ang isang 24-year old like Kathryn, dahil 17-year old lang ang panganay niyang si Lorin Gutierrez, pero puwede naman ‘yon kung nag-asawa nang maaga ang aktres.

Sabi pa ni Jerry, kasi sa interview kay Carmi Martin ay nabanggit ng aktres na sa kanya nga unang in-offer ang nasabing  role, pero nag-positive nga kasi sa COVID-19 swab testing ang aktres kaya in-offer kay Ruffa ang nasabing role.

Magaling na magaling na ngayon si Carmi sa nasabing virus.

So, kahapon nang ka-chat ko si Ruffa ay naikuwento ko sa kanya ang tungkol sa bagay na ‘yon.
Natuwa si Ruffa nang malamang ok na si Carmi.

Tungkol naman sa pagtanggap niya bilang nanay ni Kathryn sa The House Arrest of Us, walang problema raw ‘yon. “Because DJ (Daniel Padilla) is my inaanak! And Kathryn is DJ’s girlfriend! And box office stars ‘yung dalawa! Sobrang excited na nga ang KathNiel fans para sa project na ito!” sabi ni Ruffa.

‘Yung sa role naman na sinasabing ang peg talaga ay si Carmi, sinabi ni Ruffa na, “They changed the role naman to fit me!” So, malinaw na, Ateng Salve, huh!

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with