Buboy, hiwalay na agad sa Amerikanang nanay ng mga anak
Buboy, hiwalay na agad sa Amerikanang nanay ng mga anak
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - October 2, 2020 - 12:00am

Hiwalay na ang young actor at singer na si Buboy Villar (22) sa kanyang American partner of several years na si Angillyn Gorens kung kanino siya may dalawang anak na sina Vlanz (3) at George (1).

Ang bunsong si George ay sa Amerika isinilang pero ito’y dinala sa Pilipinas ni Angillyn a few months matapos itong ipanganak pero bumalik din agad ito ng Amerika kung saan siya nagtatrabaho ngayon.

Dahil busy si Buboy sa kanyang trabaho, iniwan niya ang mga bata sa pa-ngangalaga ng foster parents ni Angillyn dahil may apat na apo ring inaalagaan ngayon ang parents ni Buboy sa kanyang elder siblings. Kapag hindi siya busy ay parati niyang pinapasyalan ang kanyang mga anak.

Maganda ang nangyaring hiwalayan sa pagitan nina Buboy at Angillyn dahil mutual umano nila itong pinagkasunduan at nananatili silang magkaibigan dahil sa mga bata.

Inamin sa amin ni Buboy na mahal pa rin niya hanggang ngayon si Angillyn pero hindi niya masabi kung posible pa bang muli silang magkabalikan.

Nagtatrabaho at nag-aaral ngayon sa Amerika si Angillyn. Si Buboy naman ay focused sa kanyang trabaho at pagiging YouTuber na nakakatulong umano sa kanya, sa kanyang pamilya at mga anak financially.

Walang pinagsisisihan si Buboy sa kanyang pagiging teenage dad dahil bukod sa nagmahalan sila ni Angillyn ay nagkaroon umano sila ng dalawang anak na parehong mahal na mahal nila.

Kapamilya talents, Nagkawatak-watak

Last Wednesday, September 30 ay lumagda ng talent management contract ang dating Star Magic star na si Julia Barretto sa Viva Artists Management (VAA).

Magmula nang ibasura ng 70 kongresista ang prangkisa ng ABS-CBN ay isa-isa nang lumilipat hindi lamang ang stars and talents ng Star Magic (talent management arm ng ABS-CBN) kundi maging ang mga top executives ng Kapamilya network.

Kung visible ngayon sa TV5 ang mga homegrown talents ng ABS-CBN, unti-unti na ring nagsisilipatan sa Viva at iba pang talent managers ang dating mga Kapamilya.

BUBOY VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with