^

Pang Movies

Jude suking-suki ng TIPMMG...

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Isa pang touch na touch ako ay kay Jude Estrada. From the start ng Take It… Per Minute, Me Ganun supportive na talaga siya sa atin.

Imagine nagpadala siya ng buong lechon para sa pagkain natin dahil nag-birthday siya? At talagang buong show tinatapos niyang panoorin kahit nasaan siya ha.

Suwerte talaga ni Cristy Fermin kay Jude Estrada, dahil talagang spoiled na spoiled siya rito, isang request niya lang, andiyan na agad ang Jude.

Kung bibigyan ko nga ng malisya, iisipin kong dyowa ni Cristy si Jude dahil sobrang mahal siya nito. Kasi naman, akala ko mas generous at bongga si Jinggoy kaya siya ang pinili ko kesa kay Jude, hah hah joke joke.

Lahat silang magkakapatid ay mabait, kahit si Jackie, hindi sila nagbago nasa itaas man o ano, mahusay silang makisama.

Special love lang talaga ang namamagitan between Cristy and Jude, at saksi rito sina Japs Gersin at Bb. Tina Roa. Pag nag-break sila, aagawin ko si Jude, Salve, hindi ko na ibabalik kay Cristy, hah hah.

Grabe na naman ang kagagahan ko, pero honestly, thank you, Jude Estrada, sa suporta mo sa TIPMMG, salamat talaga.

Albee, hindi marunong magpaliguy-ligoy

Haharap na sa showbiz press si Papa Albee Benitez. Lahat ng tanong puwede ng masagot regarding sa kanyang pagiging major blocktimer ng TV5. Lahat ng programa na siya ang magpo-produce, mga artistang magtratrabaho sa Brightlight Productions at lahat ng mga usap-usapan, ready na niyang sagutin.

Magugustuhan ng showbiz press si Papa Albee, dahil straight to the point siya sumagot at hindi paeklay.

Matagal na rin kasing barkada ng mga artista tulad nina Gabby Concepcion, Albert Martinez at Richard Gomez si Papa Albee kaya hindi masasabi na newbie ito sa industry. At sana nga mag-enjoy siya sa showbiz para madagdagan pa ang investors na puwedeng magbigay ng trabaho sa displaced workers.

Welcome, Papa Albee Benitez, enjoy your new business and stay long.

vuukle comment

JUDE ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with