^

Pang Movies

Joed Serrano, matagal bago nagladlad ng kabadingan!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Joed Serrano, matagal bago nagladlad ng kabadingan!

Ang casting call kahapon ng Anak ng Macho Dancer movie sa isang establishment sa may Tomas Morato, Quezon City. Naghahanap si Direk Joel Lamangan ng supporting roles para sa nasabing pelikula.

Si Joed Serrano ang producer ng nasabing pelikula.

Nakasalubong ko si Joed na galing sa nasabing casting call. Tawa nang tawa si Joed nang banggitin ko sa kanya na nakakaloka ang revelations niya nang interbyuhin ko sila ng former That’s Entertainment co-member niyang si Harlene Bautista. Ang landi-landi kasi ng businessman/producer.

Hindi na nga inililihim pa ni Joed ang kanyang kabadingan.

Noong nasa That’s Entertainment pa si Joed, may ibang mga nagsasabing isa siya sa mga miyembro ng youth-oriented show na ‘yon na may “bahid.” Yes, isa siya sa mga pinagdududahang bading na miyembro noon ng That’s Entertainment.

Sino pa kayang ibang dating miyembro ng That’s Entertainment ang magiging malakas ang loob like Joed na aaminin na ang kanilang mga kalandian?

Sa October 3 kaya na Zoom-mustahan online re-union nila ay may katulad din kaya ni Joed na tuluyang magladlad at amining bading na sila noong miyembro pa lang sila ng youth-oriented show ng Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno (SLN)?

Well, mas magiging exciting ang reunion ng That’s Entertainment kung finally ay magka-come out na rin sa kanilang kabadingan ang ibang former members ng da-ting afternoon youth-oriented show ng GMA 7, huh!

Ang bongga!

Sikat na sikat na aktor ginagawang utusan ang hunk actor na ka-tropa

Naku, Ateng Salve, bibilib ka sa kabaitan ng hunk actor na ito na sinasabing boyfriend ngayon ng isang A-lister actress, huh!

Kabarkada kasi niya ang isang sikat na sikat na aktor. Kapag magkasama sila, hindi raw alintana ni hunk actor kahit inuutus-utusan siya ni sikat na sikat na aktor.

Kahit pinakukuha raw ni sikat na sikat na aktor kay hunk actor ang mga gamit niya sa kanyang kotse, ok lang daw ‘yon sa huli.

Talagang sinusunod daw nito ang mga paki ni sikat na sikat na aktor.

Siguro, Ateng Salve, mabait talaga si hunk actor, kaya walang problema sa kanya ang bagay na ‘yon. Pero ang mga taong nakakakita sa ginagawa ni sikat na sikat na aktor kay hunk actor ay medyo napapa-question mark, huh!

Hindi naman kasi alalay ni sikat na sikat na aktor si hunk actor, ‘noh?!

Hehehe… ‘Yun na!

vuukle comment

GAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with