_pang-masa
^

Pang Movies

TIPMMG, kinukulang pa sa oras

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
TIPMMG, kinukulang pa sa oras

Kahapon, Salve, Take It… Per Minute Me Ganun na naman tayo. Lagi talaga akong excited tuwing Martes dahil noong nakaraang linggo ang daming issues na dapat i-tackle natin, pero parang ang bilis ng oras kaya naubusan tayo at hindi na napag-usapan pa.

Kahapon ang sponsor natin ay So Sure ni Papa Jeric, kaya naging exciting ang episode natin at sayang dahil pinigilan n’yo akong isuot ang So Sure pads sa harap ng camera. hah hah, joke.

Pero in fairness sa So Sure ubod ito ng kapal, kaya safe na safe ang feeling mo at hindi ka matatakot na baka mapilitan kang magwiwi, dahil malayo ang pupuntahan mo.

Favorite naming gamitin ni Cristy Fermin ang So Sure dahil alam mo na, pag ganitong edad talagang dapat ganoon kakapal na ang napkin na gamit mo. Salamat kay Mayette dahil na-discover namin ang So Sure.

Kaya ‘wag kakalimutan, every Tuesday, 12 to 1 ng hapon sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON, panoorin ang TIPMMG.

Maraming resto, take out at delivery na lang

Nalungkot naman ako pagdaan ko sa ABS-CBN building para pumunta sa Vanilla Cafe to buy sana cake and pasta. Halos sarado ang lahat ng mga resto sa paligid at konti na ang mga taong naglalakad. Hindi ko rin alam kung bakit bukas ang Mesa resto at sarado ang Papa Kim ni mommy Flor Santos na nanay ni LA, isang mahusay na singer.

Sabi ni Adet, secretary ni Gunn Roque ng Vanilla Cafe, kasi raw bihira ang nagda-dine in ngayon.

‘Yung Papa Kim ay kilala naman sa bakery products, kaya nagtataka ako kung bakit sarado eh marami namang customer ang Mesa na katabing resto nito.

Hay naku, baka nga nasanay na sa pahatid o take-out orders na lang ang mga tao kaya ganoon. Isang tawag lang sa phone, ide-deliver na sa bahay mo.

Parang hindi na nga uso ang dine in, o talagang cost cutting na lang muna ang mga establishment at ayaw kahit skeletal crew lang ang mag-operate. Naku, ka-sad naman hah.

CRISTY FERMIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with