^
Billy at Vice, nag-iyakan!
Billy

Billy at Vice, nag-iyakan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - September 30, 2020 - 12:00am

Pinatawa ni Luis Manzano si Billy Crawford pati na rin ang followers ni Billy sa Instagram sa mga hirit ni Luis sa kaibigan na aalis na nga sa ABS-CBN at lilipat sa TV5. Si Billy ang magiging host ng Masked Singer Pilipinas na produced ng Viva Entertainment at isa sa iba-block timer ng Viva sa TV5.

So, ayun na nga, habang malungkot ang ibang comments para kay Billy, pero may kasamang congratulatory remarks, humirit si Luis ng “Congrats bro!!! Mamimiss kita... yung mga tawanan natin... naglalaro paa natin sa ilalim ng mesa... pasulyap sulyap na tingin...nag bubblebath tayo na walang bula... bigote sa batok ko hihihi mwah.”

Natawa ang mga nakabasa at pati si Billy natawa sa sagot na “@luckymanzano langhiya ka kaya na delete yung unang simpleng congrats. Napunta sa liguan Bwahahaha.”

Kabilang sa nag-congratulate kay Billy si Ryan Agoncillo na may show din sa TV5 at Kapamilya friends na sina Vhong Navarro at Kris Lawrence. Naki-congratulate rin ang Kapamilya fans na ang wish, bumalik din si Billy sa ABS-CBN kapag bukas na uli ang network.

Kinongratulate rin si Billy ni Vice Ganda nang mag-guest si Billy sa online show ni Vice na Gabing Gabi na Vice. Nagkaiyakan ang dalawa at nangakong they will remain friends and will get in touch.

Sa October 24, 7 p.m., na ang pilot ng Masked Singer Pilipinas na marami palang Pinoy ang gusto ang concept ng singing competition.

Barbie, nawindang nang i-post ni Selena ang kanyang IceCream TikTok

Hindi na namin nakita sa IG Story ni Selena Gomez ang repost niya ng TikTok ng #IceCreamDance Challenge ni Barbie Forteza ng song collab nina Selena at ng Blackpink. Sa IG Story na ni Barbie namin napanood ang TikTok dance niya.

Sa convo nina Barbie at Louise delos Reyes, parang si Louise ang unang nakakita sa IG Story ni Selena na ni-repost ang Tiktok ni Barbie ng Ice Cream dance, sinned kay Barbie at ang sabi, “GRABE LANG YUNG @barbiefortez oh! Pinost ni Mareng Selena TikTok mo.” ‘Katuwa ang sagot ni Barbie kay Louise na “Naku sabi ko sa kanya wag na ko isama eh, Malalaman pang close kami, Charot! Waaaaahh!!! @louise.dr thank you dito! @selenagomez I LOVE YOU!!!”

May 194-M followers sa IG si Selena at kahit kalahati lang noon ang nakapanood ng TikTok ni Barbie, aba’y ilang milyon din ‘yun. May rason ngang matuwa si Barbie.

Speaking of Barbie, tapos na sila sa lock-in taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday kaya malapit na uling mapanood sa GMA 7 ang rom-com series. Kuwento ni Barbie, nailabas niya sa taping ang sobrang pagka-miss niyang umarte dahil nga natigil ng ilang buwan ang kanilang taping.

Gardo, panay ang TikTok sa taping ng KathNiel

Kasama pala sa sitcom nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sina Dennis Padilla at Gardo Versoza at kaya pala sa TikTok post ni Gardo, madalas niyang kasama sila Dennis at todo sayaw sila.

Nabasa rin namin na kasama rin sa cast sina Rufa Gutierrez at Arlene Muhlach, magkakasama sila sa lock-in taping, kaya pati ang dalawang aktres, nakakasama minsan sa TikTok dance ni Gardo.

Hindi pa inilalabas ang title ng sitcom nina Daniel at Kathryn na ang sabi, kaya may photo si Kathryn na suot ang wedding dress dahil ang role nila ni Daniel sa sitcom ay mag-asawa. Malapit na ang airing nito, malalaman din natin ang title at roles ng KathNiel.

BILLY CRAWFORD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with