^

Pang Movies

Coco, ayaw pa ring magparamdam

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Coco, ayaw pa ring magparamdam
Coco

Malaki ang epekto kay Coco Martin ng pagkawala sa free TV ng seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Oo nga at napapanood pa ito sa cable at digital platforms, pero iba pa rin ang nasa libreng channel sa telebisyon lalo na sa probinsiya.

Sana nga ay maibalik na ang franchise ng ABS-CBN sa lalong madaling panahon na parang malabo namang mangyari.

Saka bakit nga ba parang tuloy ang pananahimik ni Coco? Asan ba siya?

Mga artista kanya-kanyang hanap ng pagkakakitaan

Hindi totoong lumolobo ang mga taong walang utang na loob sa showbiz nowadays dahil nga araw-araw ay may nababalitang lumilipat ng ibang network. Imposible nga namang magpaka-loyal ka sa isang kumpanya kung magugutom ang iyong pamilya.

Imagine kahit sina Anjo Yllana at Ruby Rodriguez ay lilipat sa ibang network gayung matatagal na sila sa Eat Bulaga.

Hindi dapat akusahang walang utang na loob ang mga naglilipatang artista sa panahong ito ng taghirap.

Walang magpapakabayaning magtiyaga, kung wala namang mapapala. Lahat ay nangangailangan ng pera ngayon, hindi tulad noon na loyalty lang ang mas pinahahalagahan. Kaya siguradong maiintindihan ng bawat network kung magdesisyon ang kanilang mga artista na lumipat kung saan sila ay may mapagkakakitaan para may maipangtustos sa kanilang pamilya.

Endorsement ni Piolo, ‘di apektado ng mga ‘pasabog’ ni BB

Mabuti na lamang hindi nagko-complain ang lovely owner ng Beautederm products na si Ms. Rhea Tan ng Pampanga sa dating action star turned BB Gandanghari.

Imagine, kung kelan ipinakilala si Piolo Pascual bilang newest product endorser ay saka naman naglilitanya ng kabaklaang kuwento si BB.

Parang lumalabas tuloy na sinisiraan niya si Piolo bilang bagong endorser. Mabuti na lang at walang interesado sa kabaklaang kuwento kaya ayun, walang pumansin na madlang people sa mga kuwentong ilusyon lang niya.

Salamat po…

Maraming salamat po sa mga nakaalala sa aming kaarawan na kahit hindi nagkikita-kita nang matagal pero mistulang naka-register na ang petsa ng September 30.

Kahit taghirap po sa panahon ngayon, may mga ayuda pa rin po na dumarating kaya super salamat po sa inyo. (Maligayang kaarawan po tito. Ingat po lagi. - Salve)

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with