Kim regular na sa Showtime, Anne parang ayaw pang bumalik ng ‘Pinas
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - September 29, 2020 - 12:00am

New addition na pala ng It’s Showtime fa­mily si Kim Chiu.

No. 1 trending siya kahapon nang i-welcome siya sa noontime show ng Kapamilya Channel.

Katatapos lang mapanood si Kim sa Love Thy Woman na few weeks ago pa lang nag-ending.

Bagay ang taas ng energy ni Kim sa Showtime lalo na nga at parang wala pa sa plano ni Anne Curtis na bumalik ng bansa hangga’t may pandemic pa.

“Noon pa naman Kim, lagi kang welcome rito. Binabaybay mo nga lang ito pag-bored ka sa bahay, co-host ka rito. At saka ‘yan ang sinasabi namin sa inyo na kahit anong mangyari, gagawa at gagawa kami ng para­an para makapaghatid sa inyo ng bagong ganap sa Showtime, bagong sahog, bagong lahok. Basta kahit paano ay mayroon kaming bagong pasabog sa inyo at isa diyan sa malalaking pasabog na ‘yan ay si Kim Chiu. We’re very happy na officially ay parte ka na ng pamilyang ito. Ang saya namin dahil lumabas ka para sa amin,” banggit ni Vice Ganda kahapon.

Sinabi naman ni Kim na “Masaya ako, Kapa­milya forever tayo.”

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with