Rhian, nakakakain at nakakatulog na!
Rhian
Rhian, nakakakain at nakakatulog na!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 29, 2020 - 12:00am

Mukha namang naka-recover na si Rhian Ramos sa mood swings at konting depression niya.

Medyo masaya na siya sa huling interview niya na napanood ko, at sabi nga niya kumakain at nakakatulog na siya.

Sa ganda, bait at talino ni Rhian ay madali lang siyang makakakita ng bagong mamahalin. Konting pahinga lang ng puso, konting balik sa mga dating ginagawa at hintayin lang ang muling pagtibok ng pag-ibig sa buhay niya.

Very loving kasi si Rhian kaya siguro gusto niya na laging may katabi siyang mamahalin. But this time, siguro stronger na siya at sa paghahanap niya ng the perfect one for her, ‘yung pang-forever na.

Deserving siya of a good man to love dahil mabait na tao, kaya imposible na hindi niya matagpuan ang ideal guy for her.

Rhian, too intelligent and good para masaktan nang matagal sa isang breakup. GMA 7 should give her more work, isang mahusay na artista at host, kaya dapat hindi mabakante, lalo pa nga at ever since, talent na siya ng network.

We will be seeing a stronger Rhian Ramos this time. Breakup will never break her down, promise. 

Pagluluksa sa pandemya, doble ang lungkot

Siguro nga doble ‘yung lungkot ‘pag ngayon ka nawalan ng mahal sa buhay.

Iyon bang ang daming restrictions dahil nga sa mga sinusunod na protocols, tapos may pandemic pa, ang lungkot talaga.

You feel the sadness nina Papa Toby Tiangco, Benjie Paras at Enrique Gil sa pagkawala ng mga mahal nila sa buhay.

‘Yung pagkamatay ni Manay Ichu Maceda, ‘yung hindi makapunta ang lahat dahil merong bawal, hindi puwede, at ang ilan ay takot lumabas.

Really, ang sitwasyon ngayon ay abnormal na talaga, hindi na tama. ‘Yung ang tagal bago binuksan ang simbahan, ‘yung hindi natin madadalaw ang sementeryo sa araw ng patay, kalokah!

‘Yung layer ng lungkot, patung-patong talaga.

Hay naku, redundant na talaga ako recalling this unhappy times ng buhay natin, pero sa totoo lang, ‘di ba naman, unfair na talaga pag tumagal pa?

Dapat matapos na ‘di bah! 

RHIAN RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with