Enzo, nakatakbo na matapos ma-COVID
Enzo
Enzo, nakatakbo na matapos ma-COVID
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - September 29, 2020 - 12:00am

Back to normal na si Enzo Pineda after niyang i-announce ang kanyang paggaling sa COVID-19.

Alam mo, Ateng Salve, nakakapag-golf na nga uli si Enzo. Pinost niya ang picture ng paggo-golf niya, kaya nag-message ako kung bago ba ‘yon. Baka kasi throwback picture lang at ma-“Wow Mali” ako, huh! “Yes, Tito, nakapag-golf na ako!” sagot sa akin ni Enzo nang i-message ko siya sa Facebook Messenger.

Noong Sunday naman, nag-post ng picture niya si Enzo kung saan tumakbo siya para sa World Vision Philippines na like him ay sinusuportahan din ng maraming mga celebrity. “Ran 60kms for the good health and education of @worldvisionphl children. To all those who’ve joined me in this run, mara­ming salamat po. Napakalaki ng tulong na naibigay niyo sa mga bata ng World Vision. May God bless you more.”

At least, nakabawi na si Enzo at balik na ang sigla niya at nakakapag-golf at nakapag-run na siya, huh!

Naku, Ate Salve, mag-golf ka na rin at magra-run naman ako para pumayat lalo!

Aktres na takot sa lock-in taping, gumagala kasama ang tinatangging karelasyon

‘Kaloka lang, Ateng Salve, dahil may ibang mga artista na nagsasabing takot pa silang mag-lock-in taping o shooting dahil sa COVID-19 pandemic, pero nakikita naman silang lumalabas, ‘noh?!

May sighting daw sa isang aktres sa may Tagaytay City kamakailan. Kasama raw ni aktres ang aktor na karelasyon, pero hindi naman maamin-amin.

Isa ang aktres sa mga artistang takot magbalik-trabaho, pero hindi takot lumabas ng bahay, huh! Well… well… well…

Myrtle, libre ang ‘serbisyo’ sa MegaSoft

Alam mo, Ateng Salve, hindi nakakapagtaka na pang-4th year na ni Myrtle Sarrosa bilang brand ambassadress ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliner.

Hindi kasi pera-pera lang ang relasyon ni Myrtle sa owners ng nasabing produkto. Si Myrtle nga ang tumutulong kay Aileen Go sa online events ng Sisters habang pandemic pa.

Siyempre, techie kasi sa computers at internet si Myrtle at dahil puro online sila ngayon like sa Shopee at Facebook, nagpupunta si Aileen sa bahay ni Myrtle.

Eh, nag-o-online gaming kasi si Myrtle, kaya may computer setup na siya sa bahay at mas madali kung doon sila magla-live ni Aileen. Very thankful nga si Aileen kay Myrtle dahil doon.

Actually, may iba nga na ang akala ay binabayaran pa ni Aileen si Myrtle sa services niyang ‘yon, pero hindi nga, dahil hindi naman siya naniningil.

Actually, sabi mismo ni Aileen, parang pamilya na talaga sa kanila si Myrtle, kaya hindi naman nakakapagtaka na ang tagal na rin niya sa Sisters.

So, huwag ding magtaka kung bibilang pa ng maraming taon ang pagiging ambassadress ni Myrtle sa nasabing produkto, huh!

I’m sure, sobrang agree kayo ni Manay Lolit Solis, Salve! ‘Yun na!

ENZO PINEDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with