Miss Q&A ng Showtime, nakahanap ng bagong manager
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - September 29, 2020 - 12:00am

Nasa bakuran na ng Viva Artist Agency ang kauna-unahang winner ng Miss Q&A ng It’s Showtime na si Juliana Parizcova Segovia.

Noong July 1 pa raw nag-expire ang kontrata ni Juliana sa ABS-CBN 2. Gustuhin man ni Juliana na huwag iwan ang Dos pero inisip nito ang magiging epekto sa kanyang pamilya financially kung maubos na ang naipon niya sa bangko.

Noong tuluyan na raw na nagsara ang Dos, doon na raw na-realize ni Juliana na wala na siyang maaasahan at kailangan kumilos na siya. Bihira na raw siyang tawagan para mag-guest online sa It’s Showtime at isa siya sa inalis sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano.

“Ang hirap po kasi parang pakiramdam ko ang bilis binawi. Paano ba ako magsisimula? Ano ba ‘to? Babalik na ba ako sa dati kong buhay? Every night ‘yon naiiyak ako. Nagdarasal ako. Sabi ko, ‘Lord, ano ‘to? Bakit parang ang bilis? Ano ba ito? Patikim lang o may iba pa Kayong plano sa akin?’”

Marami raw tinawagan si Juliana na artists agencies, at isa na roon ang Viva, para nahingan niya ng saklolo.

Ngayon ay isa na siya sa artists ng VAA, ready na raw si Juliana na magsimula ulit.

Demi, sa tabloid nakipag-break kay max Ehrich

Nagulat mismo ang fiance ni Demi Lovato na si Max Ehrich na break na pala sila ng singer at nalaman lang niya ito sa isang online entertainment website.

Napag-alaman ni Ehrich na si Lovato mismo ang nagtapos ng kanilang relasyon na wala siyang kaalam-alam.

Nasa film shooting daw si Ehrich ng pelikulang Southern Gospel nang malaman niya na break na pala sila ni Lovato. “I was on the set of my new movie, Southern Gospel, with crew and cast members right next to me who literally watched me open my phone where I then opened a tabloid.

“This is the God’s honest truth of how I found out about the ending of the engagement and have people from my film who saw the whole thing go down and helped me get back into character to continue my job.

“Imagine finding out to the status of your relationship through a tabloid,” post pa ni Ehrich sa kanyang Instagram Stories.

Pinasinungalingan ni Lovato ang mga sinabi ng ex-fiance. Desisyon daw nilang dalawa ang pag-break ng engagement nila. Pero naninindigan si Ehrich na clueless siya sa paghiwalay nila ni Lovato.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with