^

Pang Movies

Andrea, nagbebenta na rin ng mga pagkain

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Andrea, nagbebenta na rin ng mga pagkain
Andrea

Pati pala si Andrea Torres nasa food business na rin. Meron na siyang mga pagkain na iniluluto na puwede kang mag-order online. Bongga.

Parang handang-handa na para sa kanilang pagsasama ni Derek Ramsay kung sakali at ikasal sila one day ‘di bah!

Aside from pagluluto, nagagawa pa rin ni Andrea ang mini series na I Can See You: The Promise kasama sina Yasmien Kurdi at Paolo Contis.

Siguro nga ‘yung food business parang paghahanda niya lang kung sakali, at malay mo maging malaking negosyo. May trabaho na, meron pang business.

Bonggang Andrea Torres.

Sen. Cynthia, noon pa plantita

Alam mo ba, Salve, na noon pa man, ugali na ni Senator Cynthia Villar na mamigay ng halaman lalo na poinsettia ‘pag Pasko?

Hindi pa uso ang plantito at plantita, hilig na talaga ng mga Villar ang kalikasan, kaya nga gustung-gusto nilang mamigay ng mga tanim para nga maitanim din ng binigyan at maging green ang paligid.

Mabuti na lang at uso na sa ngayon ang pagbibigay ng napakagandang plant arrangement, dahil tulong na rin sa displaced workers ng mga Villar.

Direk Lauren, may mata rin sa mga sisikat

Pinalitan na ni Lauren Dyogi si Direk Johnny Manahan at Mariole Alberto bilang head ng Star Magic. Good choice naman dahil meron ding mata si Dyogi sa mga new talent tulad ni Direk Johnny.

Dahil nga busy na rin si Direk Johnny sa Brightlight Productions ni Papa Albee Benitez.

Kasi nga kahit pa sabihin natin na online o walang free tv ang ABS, ang lakas pa rin ng dating ng mga programa nila ha, lalo pa at makikita mo ang siksik na dami ng advertisers nila per program.

Kainggit nga na ganun pa rin ang tanggap ng advertisers sa ABS patunay na ganun kaganda ang mga ginagawa nilang programa hanggang ngayon.

Sana nga masanay din mga manonood sa TV5 lalo pa nga at magaganda rin ang line up ng mga bagong handog nila sa manonood. Happy viewing sa lahat.

vuukle comment

ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with