Birthday ni Kuya Germs, may selebrasyon
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - September 28, 2020 - 12:00am

Taun-taon ay nagkakaroon ng reunion ang mga dating miyembro ng youth-oriented program na That’s Entertainment na kanilang itinataon na malapit sa petsa sa kaarawan ng yumaong star builder at Master Showman na si Kuya Germs (German Moreno).

Sa ika-87th birthday ni Kuya Germs on October 4, ay muling magkakaroon ng That’s reunion a day earlier, October 3 sa FB Page ng That’s Entertainment at  magiging virtual reunion na ito dahil sa pandemya.

Paglipat ni Piolo, hindi inasahan

Dahil sa pagkaka-deny ng Kongreso sa bagong prangkisa ng ABS-CBN, unti-unti nang nalalagas sa number one broadcast media entity ang kanilang mga prime talents para lumipat sa TV5. 

Ultimo ang head ng Star Magic, ang talent management subsidiary ng Kapamilya network na si Johnny Manahan ay nauna na rin pumunta sa Kapatid Network sa pamamagitan ng Brightlight Productions dahil siya ang magdidirek ng bagong Sunday musical program ng istasyon na pangungunahan nina Piolo Pascual, 2018 Miss Universe Catriona Gray, Lani Misalucha, Maja Salvador at iba pa. 

Nangangahulugan lamang na iiwan na rin ni Mr. M. (Johnny Manahan) ang pagiging director ng longest-running musical show ng ABS-CBN na ASAP Natin `To.

Wala ring mag-aakala na ang prime talent ng ABS-CBN na si Piolo Pascual ay lilipat na rin sa Singko.

GERMAN MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with