Lockdown ni Alden, umpisa na
Alden
Lockdown ni Alden, umpisa na
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - September 27, 2020 - 12:00am

Ngayong Linggo (September 27), ang umpisa ng Lockdown: Food Diaries, na isang napapanahon at makabuluhang dokumentaryo na tatalakay sa mga epekto ng pandemiya sa industriya ng pagkain.

Ang Asia’s Multimedia Star at Anti-COVID-19 Campaign Ambassador ng Department of Health na si Alden Richards ang magiging host nito.

Ipakikita ng dokumentaryo ang kalagayan ng mga nasa food sector kabilang na ang pinagmumulan ng mga produkto; iba-ibang establishments na nagpapatuloy sa negosyo; hanggang sa mga bagong paraan ng pamimili sa ilalim ng New Normal.

Ibabahagi rin dito ang kuwento ng ilang mga nawalan ng trabaho ngunit nakahanap ng bagong pag-asa sa pagiging food entrepreneurs, pati na rin ilang celebrities na nagsimula ng kani-kanilang food business ngayong quarantine.

Huwag palampasin ang mga kuwento ng pag-asa, pagsisikap, at pagbangon sa gitna ng pandemya sa  Lockdown: Food Diaries ngayong September 27, 3:45 p.m. sa GMA 7.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with