Gerald hinihintay kung kakasuhan din si Jay Sonza, Marjorie matindi ang galit
Gerald
Gerald hinihintay kung kakasuhan din si Jay Sonza, Marjorie matindi ang galit
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - September 26, 2020 - 12:00am

Magdedemanda rin daw ba si Gerald Anderson tulad ni Julia Barretto?

Inaabangan kung susundan ng actor ang ginawang move ni Julia kung saan nga ito nag­reklamo formally sa NBI kahapon kasama ang kanyang lawyer at ang mommy niyang si Marjorie Barretto.

Days ago nang ikalat ng former broadcaster na si Jay Sonza na parang sure na sure siya na diumano’y magkaka-baby ang dalawa.

Literal na fake news ang nasabing post ni Mr. Sonza na mabilis ngang sinagot ni Julia at Gerald.

“I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible. The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my family. I don’t want to take this matter lightly. Mr. Sonza, and all those who publish these reckless and baseless posts, must be held accountable for their actions so that they think twice before claiming things as fact,” pahayag ni Julia sa interview ng ABS-CBN kahapon nang dumating siya sa NBI.

Sabi pa ng aktress kay MJ Felipe ng ABS-CBN na diumano’y lumipat na sa Viva, gusto niyang turuan ng leksyon si Mr. Sonza sa pagiging careless nito sa pagkakalat ng maling kuwento. “Ang dami ko na kasing pinagda­anan, ang dami ko nang pinalampas lalo na sa social media, binastos na ang reputation ko, ang pangalan ko. You know, I think I just want to show people na hindi ko na pinapalampas ‘yung mga bagay na ganito,” dagdag niya pang sabi.

Hirit naman ni Marjorie sa nasabing interview, “Yung pagka-iresponsable mo lang Mr. Sonza, sobra eh. Hindi ka man lang nagtanong sa mga malalapit sa buhay niya. Walang pinanggalingan ‘yung sinasabi po ninyo.  Ang pagkaka-confirm pa ninyo eh baboy ‘yung style. ‘Di n’yo na nirespeto ‘yung pagkababae niya at saka bata.”

Nanahimik si Mr. Sonza kahapon at walang update o sagot sa naging resbak sa kanya ni Julia .

Wala pang inaamin sina Gerald at Julia although na-issue noon ang diumano’y ghosting ni Gerald sa ex girlfriend na si Bea Alonzo. 

Walang outright mention noon pero alam sa showbiz na si Julia ang pinatutungkulan dahil sa ginawa nilang pelikula noon na Between Maybes na nag-shooting sa Japan.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with