Mag-inang Janella at Jenine pinag-ayos ni Markus!
Mag-inang Janella at Jenine pinag-ayos ni Markus!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - September 26, 2020 - 12:00am

First time na nakitang magkasama sa isang litrato ang magdyowang Janella Salvador at Markus Paterson na nasa UK ngayon. Nangyari ang pagsasama sa litrato ng dalawa dahil birthday ng mom ni Janella na si Jenine Desiderio at ipinag­handa siya ng birthday dinner nina Janella at Markus at makikita sa nakahain na very British ang food.

Pinasalamatan ni Jenine si Janella at ang future son-in-law niya “Special thanks to @superjanella & @markus for the cake & for cooking this special surprise dinner for me (binanggit ang food). Done with the help of their look-out, Russel and to Mr. P, for his special homemade Cherry Gin. My heart is full. God is good all the time.”

May mga disappointed na netizens dahil hindi nila nakita ang buong katawan ni Janella dahil may gusto silang makita, pero hindi nangyari dahil half body lang ng Kapamilya actress ang nakita sa litrato.

May fans si Janella na nagpapasalamat kay Markus dahil siya ang naging tulay para magkasundo sina Janella at ang mom niyang si Jenine. Mula kasi nang magkarelasyon ang dalawa, hindi nabalitaang nag-away sina Janella at Jenine. Unlike raw noong sina Janella at Elmo Magalona pa, madalas mag-away ang mag-ina.

Pero ngayon, hindi nag-aaway sina Jenine at Janella at lalo pa sigurong minahal at tinanggap ni Jenine si Markus, dahil sa ipinahayag nito na mahal na mahal niya si Janella. Sabi pa nga ni Markus, “Because I would put her above anything else. To the vague question why I’m still with her, it is because I couldn’t live without her. That’s as simple as it is.”

Liza, naglabas ng galit

Sa interview ni Karen Davila kay Liza Soberano sa ANC, ipinaliwanag ng Kapamilya actress kung bakit bigla siyang naging vocal at naging open sa pagpapahayag ng kanyang paniniwala at point of view.

“I think it comes from, I think more of napupuno na po ako. Before, I wasn’t the type to talk about such issues but I’ve always had my fair share of opinions on them, I just didn’t feel comfortable sharing them because I knew people would always have something to say against my opinion.”

Ngayon nga, hindi lang nagsasalita at nagpapahayag ng saloobin niya si Liza, nag-file pa ng demanda sa empleyado ng Converge ICT Solutions na nag-joke na ipa-rape siya.

Anak nina Dianne at Rodjun, gusto na agad pasundan

Ang gwapo ng baby boy nina Dianne Medina at Rodjun Cruz na si baby Joaquin Ilustre. Ilang linggo pa lang ang baby, pero litaw na ang kagwapuhan nito at sabi nga ng netizens, future matinee idol at heartthrob ang baby.

Very proud ang mag-asawa sa baby nila at ngayon pa lang, may mga nagsasabi nang sundan nila agad si baby Joaquin dahil sayang ang kanilang lahi. Lalo nang magiging pang-showbiz ang baby kapag lumaking matangkad.

Na-miss tuloy ni Rodjun ang inang si Beth Cruz dahil hindi naabutan ang kasal nila nina Rodjun at Dianne at hindi na rin nakita ang una niyang apo sa mag-asawa.

Anyway, idinepensa ni Dianne si Rodjun sa bashers na nag-comment na tila mas maraming trabaho si Dianne kesa Kapuso actor. Hindi lang daw alam ng netizens na may mga trabaho rin si Rodjun kahit pandemic. May earnings ito online na hindi lang alam ng mga mapaghanap na bashers.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with