Love story nina Ina at Italian fiancé, nag-umpisa sa aso at ibon
Love story nina Ina at Italian fiancé, nag-umpisa sa aso at ibon
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - September 26, 2020 - 12:00am

Kinuwento ng award-winning director na si Laurice Guillen kung paano nakilala ng kanyang anak na si Ina Feleo ang Italian fiance nito na si James Gerva.

Nangyari raw ito sa Venice, Italy in 2015. “Nakaupo kami sa bench, kumakain ng panini, sa Marcos Square in Venice, doon sa may side, ‘yung malapit sa water, may mga puno ‘tsaka may mga benches.

“So, we were waiting for our next tour so malapit doon ‘yung meeting place. May mga shop sa tabi namin, may shops sa tapat namin, ‘tapos nakatingin si Ina across the street, ‘tapos nakita niya ‘yung dog, na parang na-cute-an siya sa dog.

“Sabi niya, ‘Ay look at the dog. Ang cute ng dog.’ Tapos sabi ko, ‘Look at the one who’s holding the dog.’”

Pagpatuloy ni Ina sa kuwento, “Pagtingin ko sa dog, tumili ako. Yeah, I like what I saw tapos naka-sight din siya. Eh naka-shades ako, so sabi ko, ‘Ay pwede akong sumight tapos hindi niya halata masyado na sina-sight ko siya. Basta tinginan muna, tinginan nang malala tapos mamaya, parang dine-deadma ko na.

“Tapos si mommy, ‘Naku,’ sabi niya, ‘Tatawid na ‘yan, tatawid na ‘yan. Lalapit na ‘yan dito, lalapit na ‘yan.’ Sabi ko, ‘Wag ka ngang maingay ganyan.’”

Lumapit nga si James at nagpakilala kay Ina na inakala niya isang Spanish girl. Sey ni Ina: “Lumapit siya tapos una, ‘Hablas español?’ (Do you speak Spanish?). Sabi ko, ‘No, no.’ Sabi ko, ‘No, Filipino, English’ ganyan. Tapos chumika-chika na kami. Ang pick-up line niya, sabi niya, kasi nagpapakain ako ng mga pigeon, ‘di ba, maraming mga ibon-ibon doon, nagpapakain ako, nagtatapon ako ng mga bread crumbs.

“Tapos sabi niya, ‘Do you know that it’s illegal to feed pigeons in Venice?’ So parang medyo napahiya ako, parang, akala ko naman nagpapa-cute siya.

“Tapos sabi niya, ‘Besides, they will fly above you and shit on your beautiful hair and I wouldn’t want that to happen,’” may halong kilig pa ni Ina na na-engage kay James noong 2019.

Winwyn, mahusay na sa baril

Isa rin sa natutunan ni 2017 Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez sa naging training niya bilang military reservist ay ang mag-assemble at disassemble ng 45-caliber gun at M16 rifle.

Laging tinatandaan ni Wyn na kapag humawak ng baril ay ang  “safety, safety, and safety.”

Nais ng Kapuso actress-beauty queen na maprotektahan ang kanyang pamilya at mapaglingkuran ang bayan

“Siguro, the fact that I know how to protect my family and even the people that I don’t know ‘pag may emergency. Pero the biggest factor was ‘yung sinabi na you can serve your country and you can serve people.”

Kasama pala si Winwyn sa I Can See You: High Rise Lovers with Lovi Poe at Tom Rodriguez.

Tom Cruise, handa nang mag-shoot ng movie sa outer space

On board na ang Hollywood actor na si Tom Cruise para sa isang pelikulang isu-shoot in outer space!

Ni-report ng TMZ na pupunta si Cruise sa International Space Station on the SpaceX Crew Dragon rocket and capsule para gawin ang isang action adventure movie.

Kasama na ang pangalan ni Tom sa 2020 to 2023 ISS manifest.

Ididirek ang movie ni Doug Liman at ang voyage nila ay naka-set for October 2021.

Nakipag-collaborate ang aktor kay SpaceX boss Elon Musk and NASA para matuloy ang once-in-a-lifetime film project na ito.

Kasalukuyang balik-shooting si Tom after seven months sa naantalang Mission Impossible 7 na sa November 2021 na ipapalabas.

INA FELEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with