Liza, kinasuhan ang babaeng nanlait at gusto siyang ipa-rape!
Liza
Liza, kinasuhan ang babaeng nanlait at gusto siyang ipa-rape!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - September 25, 2020 - 12:00am

Hindi nga pinalampas ni Liza Soberano ang rape statement ng isang telecom  employee sa kanya na nagsabing “wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. sarap ipa-rape sa mga….. ewan!”

Konektado ito sa naging problema ng Kapamilya actress sa kanyang internet connection.

Nag-viral ang nasabing post ng telco employee at sumagot si Liza ng “Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address.”

Kaya kahapon, pumunta siya sa korte para kasuhan ang nasabing empleyadong babae.

Kasama ang kanyang manager na si Ogie Diaz at legal counsel na si Atty. Jun Lim, nagsampa siya ng criminal complaint (RA 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012) sa Quezon City.

“ I was really upset, because the fact that it’s a rape joke it’s not something that should be taken lightly, and the fact that she’s a woman, I would never in a million years do a joke like that,” pahayag ni Liza sa ABS-CBN.com.

“I know that everybody is entitled to their own opinion, that is true, but at some point you have to be respectful to others online. I want people to learn that there are consequences to everything like rape jokes.”

Nag-sorry ang nasabing empleyado ng internet provider na inirereklamo at nangatuwirang wala ‘yung malisya at hindi maganda at karapat-dapat na biro ang salitang rape.’

Sadly, para kay Liza ay hindi dapat ginagawang ordinaryong usapan ang rape lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Naunahan pa ni Liza si Sharon Cuneta na nagbanta ng demanda nang bastusin ang anak niyang si Frankie.

Maaalalang sobra ang galit ni ate Shawie sa isang netizen na nagngangalang Sonny Alcos matapos itong mag-shout out na deleted na ngayon ng “pasalamat ka iha kung ang edad ko 12 years. Magtago ka na sa tatay mong senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo. Dahil hindi ako makukulong.”

LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with