Mga bagong show ng TV5, apektado sa pagpasok ng PBA?
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - September 25, 2020 - 12:00am

Magbabalik na ang PBA Games sa October 9! Pero out of town muna ang live telecast dahil sa mga report ay sa Angeles University Foundation ang unang mga laro.

Pero balitang naka-quarantine rin umano ang players, huh!

Eh kahit magbabalik ang PBA games, may OnePH channel naman ang TV5 kaya hindi masasagasaan ang mga show ng network lalo na ‘yung bagong telecast.

Para sa may digital machine ito, eh sa free TV meron ba itong sports channel?

Gulo tiyak ito sa oras at araw ng telecast!

Maging ready sa ganyang sitwasyon ang bagong shows or else, baka masagasaan ang araw ng tele-cast ng shows nila kapag pumasok na ang PBA, huh!

Sa ngayon, napapanood na sa OnePH channel ang ongoing NBA games pero limitado lang ang audience. Hindi tulad noon na punung-puno ng tao ang kada laro.

Eh dahil walang collegiate basketball games gaya ng UAAP at NCAA at wala na ring Sports Channel franchise ang ABS-CBN, coming soon na rin marahil ito sa TV5 na sports na mas kilala sa larangang ito.

Kasunod nito siyempre ang women’s volleyball games na may market audience na rin, huh!

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with