Aktres, hindi pinayagang umuwi habang lock-in
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - September 25, 2020 - 12:00am

Kung may mga magsisimulang shows ang ABS-CBN na magla-lock-in taping na, ang ilang existing shows naman nila ay magpapahinga muna at uuwi ang cast, staff and crew.

Ganoon na ang “new normal” ngayon dahil sa COVID-19 pandemic.

Sunud-sunod na taping, then uwian muna (pero may swab test pa muna) para makapiling naman nila ang mga taong mahal nila sa buhay.

Pero may paalala pala sa mga babalik pa rin sa taping, kailangan nilang mag-ingat at two weeks bago bumalik sa taping ay mag-quarantine uli.

Parang mahirap ang ganoon para sa iba, pero sa mga nakasubok na, ok lang daw. At least, safe sila.

Saka may income, ‘yun naman ang pinakaimportante ngayon lalo na at maraming wala talagang kinikita, huh!

Pero may isang aktres daw na may offer na regular series ang tumang-gi dahil ang gusto niya ay magla-lock-in siya, pero weekly ay uuwi siya.

Hindi naman puwede ang ganoong sistema ngayong pandemic. Hindi puwede na mapagbigyan ang gusto ni aktres dahil may sinusunod na health and safety protocols para sa lahat.

Sa ngayon, kung ano ang rules and regulations, ‘yun ang susundin at hindi ang gusto ng artista, huh!

Ogie, nagtrabaho na uli kahit nagluluksa pa

Noong isang araw ay nagkaroon ng misa para sa ika-siyam na araw ng pagpanaw ng tatay ni Ogie Alcasid, si Mr. Herminio Alcasid, Sr.

Bale online mass ‘yon. Halata kay Ogie ang sobrang kalungkutan sa pagpanaw ng kanyang tatay. But still, kahapon ay nag-work na uli siya.

Nag-taping na siya for ASAP Natin ‘To. Sa Sunday naman ay live sila.

KathNiel, sikreto pa ang bagong project

Ongoing na ang shoot ng Star Cinema project ng mag-fiancé na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pero ayaw pang sabihin kung ano ba talaga ang series na ginagawa nila at saan nga ba ipapalabas ‘yon.

Ang tsika, next week daw mag-a-announce ang Star Cinema ng details tungkol doon.

Pero siyempre, sobrang excited na ang KathNiel fans.

Aba, at least, napakinggan na ng ABS-CBN ang request nila na magkaroon ng project together sina Kathryn at Daniel, huh!

Sabik na sabik na nga ang fans ng mag-fiancé para sa new project nila.

Basta ang sabi lang, nakakaaliw ang project na sinu-shoot ng dalawa. Parang sa Monday or Tuesday yata ang official announcement tungkol doon!

So, abang-abang lang!

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with