^

Pang Movies

Kasalang Neil at Angel papahupain muna ang pandemya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kasalang Neil at Angel papahupain muna ang pandemya
Neil at Angel

Coronavirus ang sinasabing dahilan kung bakit hindi matutuloy ang balak sanang kasal ni Angel Locsin sa kanyang boyfriend na si Neil Arce na dapat sana ay sa taong ito.

Eh ang tanong naman, ano ang kinalaman ng CO-VID-19 pandemic sa kanilang balak na pagpapakasal?

Hindi naman sa pagyayabang ang dahilan kung bakit gusto nilang patapusin ang pandemya. Talaga lang daw hindi puwede ‘yung limitado ang bisita nila dahil parehong malaki ang kanilang pamilya, bukod pa nga sa katotohanang pareho silang maraming mga kaibigan. Hindi nila maiiwasang kumbidahin ang mga iyon.

May isa pang nabanggit ang boyfriend ni Angel. Alam daw niya na dahil sa naging takbo ng buhay ng aktres ay hindi niya naranasan ang dumalo sa isang prom. Hindi rin niya naranasan ang isang malaking celebration ng kanyang debut. Kaya ang sabi nga ng boyfriend niyang si Neil, gusto naman daw niyang maranasan ni Angel ang isang masaya at malaking pagdiriwang ng kanyang kasal, after all iyan ay isang bagay na minsan lang din naman mangyayari sa buhay ng isang tao.

Maganda naman ang kanilang paliwanag. Kung itutuloy nila ang kasal nila sa taong ito, tiyak na may mga basher na namang magsasabi, panahon pa naman ng isang pandemya tapos nagpakasal pa sila nang ganoon.

Pero ang maganda nga riyan, finally lalagay na rin sa tahimik si Angel. Marami na rin namang naging love affairs si Angel.

Maraming pagkakataong ang akala nga ng kanyang mga fans ay “iyon na” at kasunod na ang pagpapakasal. Pero ngayon nga lang yata matutuloy talaga.

Mga laos na artista, malabo nang magkatrabaho

‘Yung mga artistang laos na tiyak na hindi na makababalik bilang stars sa TV.

Basta ganyan na ang estado ng career at hindi na makakabatak ng ratings, asahan mong palamuti na lang sila sa mga TV show. Mas madalas ginagawa na lang silang juror sa mga talent search ng mga network.

Hindi mo masisisi ang mga network, after all hindi naman sila talagang puro public service lang. Iyang mga network, kailangang kumita rin at ang kita nila ay nakasalalay sa following ng stars nila. Kung walang following, walang ratings, ibig sabihin wala ring commercials na papasok.

Eh sa rami ng mga artista ngayong walang trabaho, na marami ay sikat pa. Sino nga ba ang kukuha pa sa mga laos na?

Aktor na walang trabaho, rumaraket sa mga bading para may panggastos sa pamilya

Hindi na nagtatanong ang aktres sa kinikita ng kanyang mister. Alam niyang wala naman kasi iyong trabaho. Walang TV show at wala rin namang pelikulang masasabing pagkakakitaan niya talaga. Pero hindi naman daw nagpapabaya si mister, lagi namang may pera para sa pangangailangan ng pamilya.

Ayaw na nga lang tanungin ng misis na aktres kung saan galing iyon. May duda na siya sa “sideline” ng kanyang mister. Minsan kasi ay may nabasa na siyang text message doon na iba nga ang kahulugan. Ayaw na niyang malaman kung ano ang sideline ng mister niya, dahil tiyak na hindi niya magugustuhan iyon.

Isipin mo, ang kaagaw niya sa mister niya ay hindi pala babae.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with