Assunta, iluluwal na ang miracle baby
Assunta
Assunta, iluluwal na ang miracle baby
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - September 25, 2020 - 12:00am

Thirty-seven year-old Fil-Italian actress Assunta de Rossi (Maria Assunta Tiotangco Schiavone-Ledesma) is due to give birth to her and husband Jules Ledesma `miracle baby’ sometime next month (October). 

Tinawag ni Assunta na `miracle baby’ ang kanyang ipinagbubuntis ngayon dahil ngayon lamang sila ng kanyang mister mabibiyaan ng sariling anak matapos ang 16 na taong paghihintay. The couple is expecting a baby girl na may naghihintay nang pangalan na Fiore, Italian term for flower.

In-announce ni Assunta ang kanyang pagbubuntis noong nakaraang May.

Sina Assunta at ang businessman at dating kongresista na si Jules ay ikinasal noong March 14, 2004.

Si Jules ay may dalawang anak sa kanyang namayapang unang misis.

Aaron, inspirado sa Miss Chinatown na dyowa

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay ipinakilala na ng Kapamilya actor na si Aaron Villaflor ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Camille Buenaventura na isa sa mga kandidata sa Mr. & Miss Chinatown 2020.

Hindi ikinakaila ng actor na inspired siya ngayon dahil sa kanyang kasintahang si Camille.

Si Aaron ay huling napanood sa long running action-drama TV series na FPJ’s Ang Probinsyano at sa horror movie na Clarita in 2019.

Pangarap ni Seth, natupad

Masayang-masaya ang ex-PBB housemate na si Seth Fedelin na siya’y kabilang na ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano na dati’y pinapangarap lamang niyang mapasama.

Bukod sa Ang Probinsyano, ang 18-year-old actor ay napapanood din sa replay ng hit TV series na Kadenang Ginto kung saan nabuo ang kanilang loveteam ng teenstar na si Andrea Brillantes.

ASSUNTA DE ROSSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with