^

Pang Movies

Cake ni Sarah pila-pila na ang order!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Cake ni Sarah pila-pila na ang order!

Nakakatuwa na pati ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ay papasok na rin sa online selling at ang kanilang ibebenta  ay cakes na si Sarah ang magbe-bake.

Pinost kasi ni Matteo ang Lemon Blueberry Buttermilk cake na sabi nito, “my wife’s Lemon Lemon Blueberry Buttermilk cake will blow your mind. #shesthebest.”

Marami ang humirit sa mga kaibigan nina Matteo kung puwede silang makatikim sa ipinagmamalaking cake ni Matteo baked by Sarah at sumagot si Matteo ng “taking orders soon. One week in advance pre order. I’ll send you the menu.”

Ayun na, sunud-sunod na ang nag-order, hindi lang friends ng mag-asawa, pati followers ni Matteo sa Instagram ay nagpahayag na gusto rin nilang mag-order ng cake na gawa ni Sarah. Pati fans abroad nagtatanong kung magsi-ship sila internationally dahil gustong matikman ang cakes na gawa ni Sarah. May mga nagtatanong na kung paano mag-order at kung magkano.

Natatandaan namin, hindi ito ang first time na nag-post ng cake na gawa ni Sarah si Matteo at pati nga cookies na baked ng wife niya ay pinost niya at sinabing masarap. Maganda ito dahil kung si Sarah ang magbe-bake, si Matteo naman ang in-charge sa orders.

Dahil sa pagre-rave ni Matteo sa cake at cookies na gawa ni Sarah, may nag-comment na hindi lang asawa ni Sarah si Matteo, number one fan din siya ng misis. Bagay na hindi naman nito dine-deny.

Kris, iri-renew na ng GMA?

Nag-post ng litrato niya si Kris Bernal habang nasa GMA Network, tanong ng kanyang fans, renewal ng kontrata na kaya ni Kris sa network ang pinag-usapan? Nabanggit kasi ni Kris na naging cause ng kanyang depression na hindi pa nire-renew ng Kapuso Network ang kanyang kontrata na last March pa pala nag-expire.

Hindi alam ni Kris kung ano ang kanyang gagawin at kung saan siya pupunta kapag hindi na ni-renew ng network ang kanyang kontrata eh, mahihirapan naman siyang lumipat sa ABS-CBN, dahil ang ibang Kapamilya stars nga ay lumipat at lilipat na sa TV5.

Anyway, may good news na na-share si Kris sa kanyang fans at ito ay ang muling pagbubukas ng kanyang House of Gogi Korean restaurant sa may Banawe, Quezon City.

Bahay ni John, bongga sa laki

“Keep on wondering...” ang sagot ni John Estrada sa netizen na nag-comment ng “I wonder kung paano mo na achieve this so nice place” na ang tinutukoy ay ang magandang bahay ni John na bukod sa malaki, may pool pa at malapit sa isang golf course.

Ang ganda pati ang loob ng bahay, minimalist at ang aliwalas tingnan at sa ipinasilip ng Kapuso actor na master bedroom, makikita ang super laki ng television at ang ganda ng room.

Pinuri si John dahil marunong daw magpahalaga ng kanyang kinikita at alam kung saan niya dadalhin ang pera. Lalo pang bumilib ang netizens nang makita ang luxury cars ni John na hindi lang isa at dito sila nagkakapareho ng best friend niyang si Derek Ramsay.

Speaking of John and Derek, magkasama silang mag-i-endorse ng brand ng male shoes at malapit na raw ang launching nito.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with