Julia, napagkamalang si Janella?
Janella
Julia, napagkamalang si Janella?
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - September 23, 2020 - 12:00am

Nag-upload uli ng sexy picture si Julia Barretto kahapon para patunayang walang lamang baby ang kanyang tummy.

In all fairness kasi, wala talagang trace kahit sa previous posts ng Kapamilya actress na tumaba siya.

Baka naman si Janella Salvador ang iniisip ni Mr. Sonza na si Julia?

Hahaha. Kaloka naman kasi si Kuya.

Agad-agad, parang authority sa showbiz.

Si Janella ay nababalitang preggy diumano pero wala ngang confirmation sa kanila ng dyowa niyang Markus Paterson.

Good friends sina Julia and Janella.

Maureen Larrazabal, COVID-free na

COVID-free na ang Pepito Manaloto actress na si Maureen Larrazabal. Ito ang masaya niyang ibinahagi sa isang Instagram post. 

Aniya, “After being tested positive...I’m finally COVID-free. Split na kami ni COVID. #blessedbeyondmeasure #2monthsbattle #Grateful #GODISGREAT.”

Sa Give Me Five video ng GMA Network, nagpasalamat ang aktres sa mga sumuporta sa kanya, “Very grateful kasi this time mas naramdaman ko ‘yung pasasalamat ko sa show (Pepito Manaloto), pasasalamat ko sa lahat. ‘Cause kahit mayroon akong sakit, hindi nila ako binitawan! Sama-sama kami all together, pinag-taping pa rin nila ako. I’m working from home, tinuruan nila ako how’s it done. Sinuportahan nila ako all the way na mararamdaman mo talaga na may puso talaga sila, hindi lang sila katrabaho.”

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with