Sen. Bong, sasabak na sa game show
Bong
Sen. Bong, sasabak na sa game show
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 23, 2020 - 12:00am

Tuwang tuwa si Bong Revilla sa mga sumasali sa contest niya para sa tablets at cellphones.

Makikita mo ‘yung galak sa mukha niya tuwing may bubunutin siyang pangalan ng nanalo, dahil alam niya na isa na namang tao ang lumigaya dahil nabunot niya ang pangalan nito.

Small joy na talagang nakakataba ng puso niya ang reaction sa kanya ng ­followers niya sa Facebook Live niya.

Sabik din siya na marinig ang mga inilalapit na problema at matulungan ang dumaing.

Talagang binigyan niya ng oras ang Facebook niya, dahil alam niya na mahirap mag-reach out ngayon sa tao dahil sa quarantine at medyo mahirap din ang transpo.

Pasalamat din siya sa mga kaibigan na nag-sponsor din ng tablets at CP para maipamigay niya. Talagang ang saya niya at nalula sa rami ng sumali sa small pa-contest niya.

Gusto na tuloy niyang magkaroon ng game show, hah hah hah, dahil iba raw ang saya pag nadama mo ‘yung ligaya ng nanalo.

Why not? ‘Di ba ngayon mas madali ang magbigay, at mas masarap ang tumulong.

Ka Tunying at Gerry, walang adjustment period

Parang ang saya-saya naman nina Tunying Taberna at Gerry Baja sa kanilang bagong programa sa DZRH. Dahil nga ang mga radio journalist naman very close sa isa’t isa at parang may fraternity, kaya so easy for them na mag-adjust pag lumilipat.

Kahit si Vic Lima, mukhang at home din, at si Ted Failon dahil kasama naman niya sa pag-transfer ang buong staff, tiyak na hindi maninibago sa TV5.

Maganda din ‘yung pag-iiba nila ng station, at least nag-iiba iba ang mga combination ng mga naririnig mo, saka iba rin ang tunog at i-maintain lang nila ang credibility ng trabaho nila.

Iyan din ang masarap pag may nagawa kang pangalan, hindi mahirap tumalon dahil lahat ng pinto bukas sa iyo. At mukhang sumunod naman ang lahat ng fans sa paglipat ng idol nila, dahil maganda ang rating ng mga programa nila.

Talagang iyang radio ay ibang kingdom din para sa mga hari, iba rin sa TV, iba rin sa movies. Lahat sila merong sari-sariling monarchy, kung saan sila ang mga idol at bossing.

Radio listening is really awesome. Bongga.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with