Julia at Gerald, sabay bumuwelta
Julia at Gerald
Julia at Gerald, sabay bumuwelta
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - September 23, 2020 - 12:00am

Magkasunod halos ang pagsupalpal nina Julia Barretto at Gerald Anderson nang ilabas ng dating broadcaster na si Jay Sonza sa social media ang balitang buntis umano si Julia at si Gerald ng ama.

Sa separate post sa kanya-kanyang Instagram, naghuhumiyaw ang mga salitang, “FAKE NEWS!” although wala naman silang pinatutungkulang tao.

Kalakip pa ng post ni Julia ang litrato niyang labas ang tiyan na manipis at walang baby bump, huh!

Sa parte ni Gerald, test shot ng video ng series na A Soldier’s Heart ang inilabas niya. Sa caption niya ibinahagi ang salitang fake news.

Kapag hindi talaga buntis, mabilis mag-deny ang mga artista.

Ang nakakagulat eh ang pananahimik ni Janella Salvador na latest na natsismis na buntis ngayon at si Markus Paterson ang tinuturong ama, huh!

Tiklop ang bibig ng dalawa sa tsismis pati na mga taong malalapit sa kanila!

Hangga’t wala pang denial sa kalagayan ngayon ni Janella, mananatiling totoo sa isipan ng mga tao na buntis nga siya, huh!

Take note, mas bata si Janella kesa kay Julia, huh!

Happy birthday!

Binabati namin ang mahal naming editor na si Salve Asis ngayong araw na ito, September 23.

More birthdays to come, good health and OOTDs sa kanyang social media account kahit may pandemic! (Hihihi. Salamat tito. Lavyah. - Salve)

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with