^

Pang Movies

Source ni Sonza, protektado nG ‘Sotto’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi natin puwedeng itanong kasi umiiral ang isang bagong batas na nagtatadhana na hindi maaaring tanungin ang sinumang journalists kung sino ang source ng kanyang information, at iyan ang RA 11458 o ang tinatawag ngayong Sotto law.

Ibig sabihin, hindi natin maaaring tanungin si Jay Sonza kung sino ang nagsabi sa kanyang nabuntis ng kanyang kapitbahay sa Toro Hills ang syota noon.

Pagkatapos ng kontrobersiyal na expose ni Jay Sonza, mabilis namang naglabas ng kanyang picture si Julia Barretto, kita ang tiyan, para patunayang tsismis nga lang ang sinabi ni Jay na siya ay nabuntis ni Gerald Anderson.

At saka bakit nga ba iginigiit na buntis, eh ni hindi pa nga inaamin nina Julia at Gerald na sila ay talagang magsyota na nga.

Iyan namang relasyon nila, malabong magkaaminan kung totoo. Lumakas ang tsismis noong si Dennis Padilla mismo ang nagsabing nakausap niya sa telepono si Gerald at hindi man diretsa ang statement, parang inamin niyang totoong nanliligaw ang aktor sa kanyang anak.

Walang kaso iyan sa naging relasyon nina Julia at Joshua Garcia kasi split na sila noon, pero sa kaso ni Gerald at Bea Alonzo, ibang kuwento ‘yun. Kung aaminin nilang totoo, si Julia nga ang lalabas na third party.

Sa tingin niya hindi maganda iyon para sa kanyang image. Kaya naman todo tanggi sila sa kanilang relasyon noon pa man.

Sa kaso ni Gerald, hindi naman niya diretsahang sinasabing wala silang relasyon, ang madalas lang niyang sinasabi, ayaw niyang “mapag-usapan ang mga taong wala naman dito,” o kaya naman ang sinasabi niya ay gusto niyang maging pribado ang kanyang buhay.

Maliwanag na walang categorical denial ng relasyon, ayaw lang niyang mapag-usapan.

Aktor at sikat na female star na babad sa out of town trip, hinuhulaang makakabuo rin ng baby

“May isa pang mabubuntis,” sabi ng isang television reporter sa amin. “Aba eh kung ilang araw silang magkasama ng syota niya out of town. Huwag mo namang sabihing hindi sila magkatabi kung gabi,” sabi pa ng aming source. Iyong sinasabi niyang mabubuntis ay isang sikat na television female star, at ang boyfriend ay isang character actor.

Ganoon na ba talaga ang sitwasyon? “Eh talaga naman yatang hayagan na ang kanilang relasyon at siguro ok lang naman sa pamilya nila, lalo na nga sa pamilya noong girl dahil kung hindi bakit hinahayaan nilang sumama ang anak nila sa boyfriend noon nang ganoon lang.”

Hintayin na lang natin kung mabubuntis nga.

vuukle comment

JAY SONZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with