Alden hindi pinagpapahinga ng GMA
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 23, 2020 - 12:00am

Pagdating kay Alden Richards at sa sunud-sunod niyang assignments sa Kapuso Network, kahit ang GMA ay bina-bash tungkol sa Asia Multimedia Star. 

Comment nila, “wala na bang ibang artista ang GMA, si Alden na lamang ang binibigyan nila ng projects?”

May reason naman siguro ang GMA kung bakit si Alden ang laging may project ngayon, siguro bagay sa kanya ang role or bagay sa kanya ang project na gagawin. Like sa special food documentary ng GMA Public Affairs na Lockdown: Food Diaries, bagay sa kanya dahil bukod sa may-ari siya ng restaurant, marunong naman talagang magluto si Alden at marunong siyang mag-grocery.

At ito pa ang tiyak na irereklamo na naman ng ­bashers ni Alden. Mukhang special day ni Alden sa Sunday, September 27. Dahil simula ng 12:00 noon balik na muli, live,  sa GMA studio ang All-Out Sundays, hanggang 1:45 p.m. 

Nangako ang buong cast na susundin nila ang safety protocols at guidelines sa kanilang pagbabalik-TV. At 1:45 p.m., mapapanood naman si Alden sa nagbabalik na drama anthology na Wagas, na katambal si Jennylyn Mercado sa love story ni former Senator Miriam Defensor Santiago and her husband Narciso Santiago.  At 3:45 p.m., mapapanood na ang Lockdown: Food Diaries after Dear Uge.

At simula naman sa Monday, September 28, ang week-long new GMA Drama Anthology na I Can See You at sina Alden, Jasmine Curtis Smith at Pancho Magno ang bibida sa first episode na Love On The Balcony, sa GMA Telebabad after ng rerun ng Encantadia.

Kahapon, September 22, nagbalik na si Alden sa noontime show na Eat Bulaga, ngayong natapos na niya ang mga sunud-sunod na commitments niya.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with