Mga galaw nina Marian at Alden, laging binabantayan
Alden
Mga galaw nina Marian at Alden, laging binabantayan
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

Siguro talagang maituturing na pinaka-popular stars ngayon sina Alden Richards at Marian Rivera. Kasi nga sina Marian at Alden ang para bang kahit anong gawin, lagi na lang merong comment ang lahat.

Imagine na pati ang hindi pagsusuot ng face shield ni Alden sa teaser ng kanyang show sa GMA, bashing ang inabot.

Kaunting galaw, kaunting salita, hayan na at kukuyugin na sina Alden at Marian. Mabuti na lang at solid and happy ang kanilang household, kaya naman matibay ang kanilang shield laban sa mga paninira.

Pag maganda ang family life mo at surrounded ka ng mga taong nagmamahal sa iyo, hindi mo mapapansin ang mga puna ng outsiders. Iyon kasing pagmamahal na nadarama mo sa pamilya, frontline iyon na sumasangga sa negative vibes from the outside.

Iyan ang panlaban nina Marian at Alden, ‘yung love na nadarama nila sa circle of people na nasa paligid nila. Kaya balewala ang mga pintas at bashing from the outside, dahil mas importante ang love na lagi nilang nadarama sa mga close sa kanila. Kaya to hell sa mga nega, basta happy sila, wala na, may nanalo na noh!! 

Mga bulag na pumasok na tagabalat ng buko, dinagsa ng tulong

Siguro nga ang saya-saya rin ng feeling na may natutulungan ka sa panahon ngayon. ‘Yung dalawang lalaking masahistang bulag na dahil walang nagpapamasahe ay pumasok ng tagabalat ng buko, kahit pa nga sabihing napakadelikado dahil bulag sila, heto at bumuhos ang mga tulong. Talagang may sumagot pati ng pambayad nila sa kuryente at ang pang araw-araw nilang kailangang pagkain.

Nakakatuwa dahil makikita mo na talagang merong tao na ginagawa naman ang lahat para hindi manghingi o umasa sa iba, kaya ang sarap tulungan.

Pati ang isang mama na kailangan ng bisikleta dahil sira-sira ang gamit niya sa paglilibot para mag-repair ng sapatos, buong puso ang tulong na bumuhos.

It is so easy to give and share with people who are trying their best to survive, hindi nanghihingi at gumagawa ng paraan para kumita.

Ang bigat sa loob na tumulong sa mga taong akala mo entitled at parang duty mong bigyan at hindi kumikilos para tulungan ang sarili.

Charity comes from the heart, ‘yung feeling na gusto mong magbigay, hindi pinilit. Salute to this people. So proud of you.

ALDEN RICHARDS MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with