Seth, pasok na rin sa Probinsyano
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

Guess, Salve A., who has just been added as regular member of the cast ng top action series, FPJ’s Ang Probinsyano, topbilled by Coco Martin?

Eighteen-year old Seth Fedelin, that’s who.

Ang ganda ng pag-angat sa showbiz nitong si Seth. At an early age, he was forced to work, yes, to be able to help his family in their daily needs.

Nagtatrabaho dati sa ibang bansa ang kanyang ama nang magkasakit ito at kinailangang umuwi, at magpagamot.

First job niya ay naging tagalinis ng swimming pool ng kanilang mayamang kapitbahay sa Cavite. The reason why he was tagged The Hopeful Son of Cavite, when he joined the Pinoy Big Brother (PBB) Teens Batch One.

As luck would have it, nakasama siya sa cast ng ngayo’y nire-replay na series ng Kapamilya, ang Kadenang Ginto. Isa siya sa young members ng tinaguriang The Gold Squad, kabilang sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Francine Diaz.

Magkasunud-sunod na ang kanyang commercials, henceforth. At natupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng kotse, which he now drives himself.

Magaling na ang kanyang ama at naibili na niya ng motorcycle. Lahat ng kanyang kapatid ay nag-aaral. “God is truly good,” ang taimtim niyang saad. “All you have to do is taimtim na manalangin sa Kanya.

“At Siya ang bahala.”

In any case, ayaw pang i-discuss ni Seth kung ano ang kanyang role sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sen. Bong, nakapamigay na ng tablets

Excited si Sen. Bong Revilla sa pamimigay ng tablets sa mga mag-aaral who cannot afford na makabili ng gadgets na ‘must’ sa mga estu­dyante ngayong taon.

Yes, via program na kanyang inilunsad which is now known as the KAP or Kaalaman, Ating Palawakin.

Sinimulan niyang ipamahagi ang 10-inch tablets na magagamit sa blended learning noong September 20. So far, marami na ang naipamahagi niyang gadgets sa mga mag-aaral sa Luzon, Visayas at Mindanao. “Ibig kong itanim sa mga mag-aaral na sila ang pag-asa ng ating bayan. Kaya, pagbutihin nila ang pag-aaral,” ani Sen. Bong, na hindi puwedeng kuwestyunin ang pagiging magaling na mambabatas ng bansa.

Vina at Shaina, ayaw makialam sa relasyon ng ex-bayaw

Vina Morales and Shaina Magdayao would rather not comment tungkol sa balitang current love ng kanilang bayaw na si Federico Moreno na si Harlene Bautista, na open book na matagal ng hiwalay sa dating asawang si Romnick Sarmenta.

Actually, hindi nga si Federico ang unang na-link kay Harlene, kundi ang businessman na si Neil Eugenio.

Kung sabagay daw, says a kibitzer, matagal na ring hiwalay sina Federico at Sheila Magdayao, name ng kapatid nina Vina at Shaina.

One month exactly this September daw ang relasyon nina Harlene at Federico.

SETH FEDELIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with