Sen. Bong, enjoy sa social media kahit maraming bashers
Bong
Sen. Bong, enjoy sa social media kahit maraming bashers
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

Kahit may mga pagkakataon na naba-bash siya, nae-enjoy pa rin ni Senator Bong Revilla ang paggamit ng kanyang social media accounts.

Enjoy din naman ang followers ng actor/politician kapag nagbibigay siya ng updates tungkol sa mga pangyayari at pinaggagagawa niya sa kanyang buhay, maging sa pagiging politician man ‘yon o mismong pribadong buhay niya.

Madalas din na kumustahin si Sen. Bong ng entertainment press sa pamamagitan ng Facebook Messenger na dahil nga sa COVID-19 pandemic ay madalas na naka-online siya.

Alam mo, Ateng Salve, noong nasa Los Angeles, California nga ako, madalas na nakaka-chat ko si Sen. Bong sa FB Messenger. Madalas ding nagme-message ang actor/politician sa pamamagitan ng app na ‘yon para mangumusta at magsabing, “Stay safe!” sa mga kaibigan niya.

Oo nga pala, nagsimula na noong Sunday ang pamimigay ni Sen. Bong ng computer tablets sa 1,500 followers niya sa kanyang social media accounts. Bale tatagal ‘yon hanggang bukas. Kahit daw ang mga OFW at mga kababayan natin na nasa abroad ay kasali roon.

Ginawa ni Sen. Bong ang pa-raffle na ‘yon ng tablets para makatulong sa mga kababayan natin, lalo na ang mga kabataan, para sa online learnings.

Pinuri si Sen. Bong sa project niyang ‘yon at marami rin naman sa mga kaibigan niya ang kanyang pinasamalatan dahil tumulong din sa kanya at nag-donate ng tablets.

So nice naman talaga lalo na ngayong may COVID-19 pandemic ang proyektong ‘yon ni Sen. Bong, huh!

Raymond lalabas sa Emmys, virtually!

Ang post kahapon ni Raymond Gutierrez sa kanyang Instagram account. “Feels like forever ago since my last red carpet, but will be reunited digitally with my partner-in crime @iamyvetteking for our #Emmys2020recap @eonlineasia  @eentertainment #EAsia.”                            

Kung matatandaan, nakailang shows din sa E! Asia si Raymond (kasama na ang family reality TV series nila ng kanyang pamilya, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez). “Akala ko wala nang E! Asia?” pang-uusisa ko kay Raymond. “They still have for special projects,” sagot ni Raymond.

Kahapon ng 2:30 p.m. at ngayong 10:00 a.m. to 12:00 noon ang shoots niya para sa nasabing project. At kahit online lang ‘yon, “I’ll wear a suit kahit Zoom shoot lang ‘yon!”

Hindi lang sure na sure si Raymond kung kailan ipapalabas ng E! Asia ang recap ng Emmys nila ni Yvette King, pero for sure raw this week na ‘yon.

Sa The Farm at San Benito (Batangas) nga pala nag-shoot kahapon si Raymond dahil three days siya doon kasama ang ilang mga kaibigan.

Puntahan ng maraming celebrities ang nasabing wellness farm.

Teka! Nandoon pa kaya si KC Concepcion at magkita kaya sila uli ni Raymond? Baka… ‘Yun na!

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with