Zia, naging make-up artist agad!
Marian at Zia
Zia, naging make-up artist agad!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

Good vibes ang hatid ng mag-inang Marian Rivera at Zia Dantes sa Instagram stories ni Yan.

Palibhasa mga babae  kaya makikitang nilalagyan ni Zia ng lipstick si Marian!

Caption ng GMA Primetime Queen, “Haaay zia may future ka. Magaling ka pa sa akin! Hahahaha.”

Naku, walang dudang manang-mana si Zia sa kanyang ina, huh!

Carla, handang-handa na

Handang-handa na ang mga maleta at kahong babaunin ni Carla Abellana kapag nagsimula na ang lock-in taping ng Kapuso series na Love of My Life.

Eh dahil walang uwian, feeling ni Carla ay kulang ‘yung tatlo o apat na maletang bibitbitin sa taping.

Bale 35 episodes pa lamang ang naipalalabas sa LOML nang matigil ito dahil sa pandemya.

Pangako ng girlfriend ni Tom Rodriguez, hindi sila mabibitin sa pagbabalik sa ere ng series na kinabibilangan din nina Coney Reyes, Mikael Daez at Rhian Ramos.

Sa totoo lang, mas mahirap mag-taping ngayong nandiyan pa ang COVID-19 kumpara noong wala pa dahil sa bitbitin pa lang ng gamit eh, nakakapraning na rin, huh!

MARIAN RIVERA ZIA DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with