Angelica nagsalita sa pagiging tatay ni Carlo, walang planong layasan ang Kapamilya
Angelica
Angelica nagsalita sa pagiging tatay ni Carlo, walang planong layasan ang Kapamilya
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

Nagbigay na ng kanyang reaksyon si Angelica Panganiban sa pagkakaroon ng anak ng ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino at girlfriend nito na si Trina Candaza.

Isa kasi ito sa natanong sa aktes sa nakaraang virtual conference niya at sinagot naman niya ito. “I’m sure masayang-masaya siya. Masayang-masaya sila, and ‘yon naman dapat ‘yon, ‘di ba?” sabi ni Angelica.

“So, good. Congratulations,” ang dagdag pa ni Angelica na mensahe kay Carlo.

Isa rin sa naitanong sa aktres ay kung hindi ba niya plinano na lumipat ng network matapos ang ABS-CBN shutdown at inamin naman ng aktres na may mga offer din siyang natanggap from the other networks. “Of course may mga tumawag, may mga nag-offer. Hindi siya kasi sumagi sa isip ko. Hindi pa siguro ngayon. Hindi ko puwedeng pangunahan yung mga pangyayari, ‘di ba?” sey ni Angelica.

Pero kung ngayon ang pag-uusapan, hindi raw niya kayang iwan ang ABS-CBN. “Happy ako, eh. Happy ako kung nasaan ako ngayon. So, hindi ko nakikita ‘yung need (na umalis sa ABS-CBN).

Pero agad niyang nilinaw na walang siyang against sa mga ibang kapwa-Kapamilya stars na lumilipat ng ibang network. “I have nothing against naman sa mga kaibigan ko rin na gustong magtrabaho sa ibang network, ‘di ba? Iba-iba, eh. May mga pangangailangan tayo, eh. May mga kaibigan tayo sa industriya na talagang kailangang-kailangan, so, dun sila, ‘di ba?”

“Ako naman, I’m very thankful na hanggang ngayon may trabahong ibinibigay sa akin yung ABS-CBN. So, dito na muna ako,” deklara niya.

Pero dagdag niyang natatawa,“siguro pag walang-wala na talaga, wala na kaming makain pamilya, saka ako lilipat. Pero hangga’t meron, okey pa naman ako.”

ANGELICA PANGANIBAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with