Fans ni Janella, nilalait si Markus
Janella
Fans ni Janella, nilalait si Markus
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

Tahimik na tahimik pa rin ang kampo ni Janella Salvador sa isyu ng kanyang diumano’y pagbubuntis.

Sinubukan kong tanungin ang kanyang manager, pero wala itong reply.

Maging ang nababalitang diumano’y tatay ng kanyang baby na si Markus Paterson ay wala ring update kahit sa kanyang social media account. Actually, galit nga kay Markus ang ibang followers ni Janella dahil napakabata pa raw ng dalaga ni Jenine Desiderio para mabuntis. Marami pa raw sanang project na darating sa Kapamilya star.

May pa-hashtag pa ang fans ni Janella na #FeelSorryForJanella dahil big fish daw para sa baguhang actor ang young actress, na ex ni Elmo Magalona, kaya hindi sila bagay.

Nauna na dating inamin ni Markus na nagselos siya sa loveteam nina Janella and Joshua Garcia sa The Killer Bride na maraming nag-akala noon na sina Janella at Joshua nga.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with