Javi at Gino, bongga ang suporta ng mga magulang
Javi at Gino, bongga ang suporta ng mga magulang
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

Akala ng iba, wala na ang career nina Javi Benitez at Gino Roque. With supportive parents like Papa Albee Benitez at sa panig naman ni Gino, ang businessman na father niyang si Gunn Roque, tuloy pa rin ang showbiz career ng dalawa.

Pumasok na sa TV production at paggawa ng movies ang Brightlight Productions ng mga Benitez.

Ngayon naman ay papasok sa digital movies ang father ni Gino na si Gunn Roque.

With their expertise sa negosyo at keen eyes sa market, sure ako na magiging matagumpay ang kanilang ventures.

Bongga ‘di ba, dahil hindi lahat ay may mga supportive na parents tulad nina Javi at Gino, na magiging mala­king tulong sa pangarap nilang acting career. At sana nga dahil pangarap nila ito, matupad nila ito to make their daddy proud.

Go lang, Javi and Gino, aim high for your dreams.

Bashing, nakaka-miss din

Happy na ako dahil nabalik na ang comment section ko sa aking Instagram account. Kasi nga pag wala ito, parang I am talking to a wall, walang kausap.

I respect all opinions, kahit bashing, sabi ko nga huwag lang mura dahil very unclassy, parang taga-gutter na ‘yung nagsalita.

Telling me they don’t like my opinion is ok, dahil lahat ng bagay ay may dalawang side, ikaw o ako. Kaya upset na upset ako nang mawala ang comments na enjoy akong binabasa for mental health challenge, puwedeng affected ako kung minsan, pero hindi ako magbi-breakdown dahil lang sa mga bashing.

My God, 73 na ako, what more can affect me? I went thru all kinds of life journey na tumbling talaga sa buhay ng isang tao, pero heto pa rin ako.

Sabi ko nga, kahit isa lang ang magmahal at maniwala sa iyo, ok ka na, eh feeling ko naman marami-rami pa ring nagmamahal at naniniwala sa akin.

Life is your own choice, ikaw lang ang may gusto at makakagawa ng gusto mo sa buhay, so be it. Bad or good, gusto ko ng comments, so sana huwag na uli mawala, huh huh, talagang hahanapin ko siya kung sino nagtago ng comments.

Unfair iyon, now I don’t know what my followers feel or say, please, huwag ka ng mawala uli. Stay put kahit anong bashing kaya natin iyan hah hah, ako pa!!! 

BASHING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with