Mga bulaklak ni Marian, sold out sa isang oras
Marian
Mga bulaklak ni Marian, sold out sa isang oras
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

Ang nakakaaliw na caption ni Dingdong Dantes sa pinost na photo ni Marian Rivera na may hawak na Flora Vida by Marian collection. Sabi ni Dingdong, “@floravidabymarian’s new collection is out! Ayan, may mga idedeliver na naman ako. Always proud of you, @marianrivera.”

Kaya lang, kailangan yatang mag-replenish ni Marian at ng kanyang staff ng big items ng Flora Vida dahil mabilis nag-sold out ang big items at mas mahal.

Take note, isang oras lang after i-announce ni Marian na open at puwede ng mag-order ng September collection ng Flora Vida, sold out na agad. Pati ‘yung sinabi ni Marian na favorite ni Dingdong priced at P10K, sold out na rin. Pero available pa ang tinawag nilang mini dried flower bouquet. Available rin ang DIY kits at ang bibili na ang mag-a-arrange ng dried flowers at ‘yung hindi masyadong mahal, puwede pang ma-order.

Nakadagdag sa ganda ng flower arrangement ng Flora Vida by Marian ang white vases na gawa mula sa rescued Mango trees galing sa Laguna. Kaya pati mang-uukit sa Laguna, nabigyan din ng trabaho.

Curious lang kami, sino kaya ang kasama ni Marian na nag-iisip ng names para sa Flora Vida by Marian collections dahil ang gaganda ng ipinapangalan nila sa bawat dried flower collections.

Catriona, marami pang ididemanda

Nabasa namin ang post ni Atty. Joji Alonso, lawyer ni Catriona Gray na “The first case has been file before the Quezon City Prosecutor’s Office while we await the results of the NBI investigation on the identification of other respondents.”

Pinatapos lang nina Atty. Joji at Catriona ang “ghost month” at saka sila nagsampa ng kaso.
So, may mga susunod pang kakasuhan si Catriona? Ang suggestion ng fans ni Catriona, isama na ring kasuhan ang Indonesian bashers ni 2018 Miss Universe dahil ang sasama raw ng mga pino-post sa social media at ang ex-BF ni Catriona na si Clint Bondad dahil kay Clint daw nagsimula ang lahat na dahil sa ginawa niya ay marami ang nadamay.

Erap, nagbigay din ng tablets kay Bong

Sa Zoom presscon ni Sen. Bong Revilla, nabanggit ang rich friends niya at si Mother Lily Monteverde sa mga donor ng 1,500 tablets na ipamimigay niya sa mga estudyante na walang kakayahang bumili ng gadget for their online learning.

Nabanggit ni Bong na may mga susunod pang magdo-donate ng tablets at nabasa nga namin na nag-pledge si former President Joseph Estrada ng 100 tablets.

Bukod sa tablets, mamimigay din ng cell phone si Bong na makakatulong din sa mag-aaral na walang kakayahang bumili. “Habang buhay na buhay at malakas ako, tutulong ako sa mahihirap nating kababayan,” pangako ni Bong.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with