Matteo, pinasalamatan ni Karen
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

Ang laki ng pasasalamat ni Karen Davila kay Matteo Guidicelli na tumulong sa kanya nang magkaroon ng seizure ang kanyang anak na si David.

Ayon sa broadcaster, nang mangyari ang insidente ay timing naman na nasa lobby ng kanilang condominium si Matteo and wife Sarah Geronimo. It turned out na nakatira sila sa iisang condo sa Makati.

“AMEN! And thanks to @matteog he was there in the lobby w Sarah during this experience,” ang reply ni Karen sa isang netizen na nag-comment sa kanyang post tungkol sa nangyari sa kanyang anak.

“Thank you, Matteo, for your kindness, your care,” dagdag ni Karen.

Matatandaang last week ay naospital ang anak ni Karen at ikinuwento niya sa kanyang Instagram account ang nangyari.

“Yesterday afternoon, my husband DJ & I arrived from an overnight trip to Sorsogon. Our son David welcomed us at our condo lobby... when out of the blue, he just started having a full blown seizure!

“Now, seizures can be common for kids with autism but David has never really had them. He has only had one scary episode when he was 7 yrs old,” ang bahagi ng post ni Karen.

Nang maisugod sa ospital ay kaagad namang bumuti ang kalagayan ng kanyang anak at okay na ulit ito ngayon.

MATTEO GUIDICELLI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with