Carla, apat na maleta ang baon sa taping
Carla
Carla, apat na maleta ang baon sa taping
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

Tiyak na ikinatutuwa na ng followers ng mga teleserye ng Kapuso Network ang sunud-sunod na lock-in taping nila ng mga teleserye sa GMA Afternoon Prime at sa GMA Telebabad na nahinto ang airing dahil sa dinaranas nating pandemic ngayon. 

Naging successful ang natapos na lock-in taping for 10 days ng Descendants of the Sun Ph. Ongoing na rin ang lock-in taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, na tampok sina Snooky Serna, Dina Bonnevie, Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer at Jay Manalo na lahat sila ay naninibago sa pagti-taping sa new normal, pero may halo ring saya dahil nakabalik na sila muling magtrabaho. At matatapos na rin ang lock-in ­taping ng fourth episode ng I Can See You, ang new weekly drama anthology produced by GMA Public Affairs.

At ngayon ang susunod namang mag-lock in taping ay ang teleseryeng Love of My Life na pinangungunahan ni Carla Abellana. Nakakatuwa ang interview ng 24 Oras kay Carla na ikinuwento niya ang paghahanda niyang ginagawa para sa 100 lock-in taping days nila nina Coney Reyes, Mikael Daez at Rhian Ramos.

“Alam ba ninyong gusto ko nang dalhin ang buong bahay ko sa taping namin,” natatawang pahayag ni Carla.“Sa ngayon ay nakahanda na ang four luggages ko ng mga damit na gagamitin ko sa taping.  Iyong ibang gamit, ikakahon ko na lamang. Naikuwento na sa akin ni Tom (Rodriguez) kung paano ang taping dahil tapos na siya sa kanilang episode ng I Can See You. Four days lamang ang lock-in taping nila.  Excited na rin akong magbalik-taping at challenge sa akin iyong 100 days.”

Hindi sinabi ni Carla kung saan ang location ng taping nila dahil nagtapos ‘yung story nila bago ang quarantine na preggy siya at malapit nang magsilang ng baby nila ni Tom sa story. Kaya kaabang-abang na ang muling pagtatanghal ng Love of My Life sa GMA Telebabad very soon! 

Next month of October naman magsisimula na rin ang lock-in taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit nina Nora Aunor, Mylene Dizon, Kyline Alcantara, Zoren Legaspi, sa direksyon ni Laurice Guillen.

CARLA ABELLANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with