Ibang nabubuntis sa showbiz, pabataan ang laban
Janella
Ibang nabubuntis sa showbiz, pabataan ang laban
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - September 20, 2020 - 12:00am

Alam mo, Salve A., pabata nang pabata ngayon ang ilang young celebrities na nabubuntis. Not too long ago, binigla ng Kapamilya young actress na si Sofia Andres ang netizens and the public in general nang lumantad siya at ipinakilala ang kanyang months old baby na si Zoe sa kanyang nobyong  international car racer mula sa isa prominenteng pamilya sa Cebu City na si Daniel Miranda.

Sofia was only 21 years old when she gave birth last November 24, 2019 sa Sydney, Australia kung saan niya isinilang ang kanyang baby.

Ang child child actor-dancer na si Bugoy Cariño was barely 16 years old nang mabuntis niya ang kanyang volleyball player girlfriend na si EJ Laure.  They now have a two-year-old daughter na si Scarlet. 

Wala pang 19 ang dati ring child actor at singer na si Buboy Villar nang siya’y maging ama ng kanyang panganay na si Angelica Nazareth sa kanyang Fil-Am girlfriend na si Angillyn Serrano Gorrens.

At 21, may dalawa nang anak si Buboy who started living-in with his girlfriend at age 16.

Bata pa rin ang actor-dancer na si Jon Lucas when he became a father sa kanyang anak na si Brycen at mag-asawa sa dating dancer ng It’s Showtime na si Shy Feras.

Actress and Siargao Island-based Andi Eigenmann was only 20 or 21 nang kanyang isilang ang kanyang panganay na anak na si Ellie (kay Jake Ejercito). Ngayon ay magtatatlo na ang kanyang anak dahil ipinagbubuntis niya ngayon ang kanyang pangalawang anak sa kanyang partner ngayon, ang surfer champ na si Philmar Alipayo.

Kahit ang kapuso star na si Jennylyn Mercado ay naging ina rin at a young age.

Ngayon ay balitang buntis at nakatakdang magsilang diumano ng kanyang first baby ang young Kapamilya actress at singer na si Janella Salvador courtesy of her Filipino-British boyfriend na si Markus Paterson. Ito umano ang dahilan kung bakit lumipad patungong London ang singer-actress mom ni Janella na si Jenine Desiderio kasama ang younger brother ni Janella na si Russell Salvador.

Nag-text kami sa manager ni Janella na si Manny Valera para kumpirmahin ang balita pero hindi kami nakatanggap ng sagot.

Ang nakakapanghinayang lamang ay nasa peak si Janella ng kanyang career kung totoo nga ang balita na malapit na siyang maging ina.

Noong nakaraang linggo lamang naglabasan ang sweet photos nina Janella at Markus pero ang alam namin ay noong isang taon pa sila magkasintahan.

Kung totoo ang balitang malapit nang manganak (next month umano) si Janella, then nangangahulugan lamang ito na pansamantala siyang titigil sa kanyang showbiz career habang si Markus ay hindi pa gaanong nakaka-take off ang career magmula nang siya’y pumasok nang showbiz a couple of years back nang siya’y sumali sa Pinoy BoybandPH in 2016.

Sina Janella at Markus ay parehong 22 years old.

SOFIA ANDRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with