Kris, naghahanap ng bagong manager
Kris
Kris, naghahanap ng bagong manager
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - September 20, 2020 - 12:00am

Kinumpirma ng Kapuso actress na si Kris Bernal na freelancer na siya.

Sa in-upload niya sa kanyang YouTube vlog, sinabi ni Kris na nag-expire na ang kontrata niya with GMA Artist Center.

“My contract with GMA-7 has expired during this pandemic. I informed my bosses about this guesting and they were okay about it. Siyempre, hindi ko ito gagawin kung makakabangga po ako or kung may masasaktan ako, of couse, hindi ko po ito gagawin,” sey ni Kris tungkol sa paglabas niya sa talkshow sa TV5.

Labing-tatlong taon na inalagaan ng GMA Artist Center si Kris simula noong isa siya sa nanalo sa StarStruck Season 4. Ngayon ay iniisip niyang kumuha ng bagong manager.

“Right now, I can say that I am a freelancer and I have no manager yet. Why? Hindi pa po ako nakakapag-decide, talagang pinag-aaralan kong mabuti kung sino ang puwedeng mag-handle sa akin. Siyempre dapat comfortable ako. So ‘yun ang status ko,” sey pa niya.

Inamin din ni Kris na wala pang offer ang GMAAC kung ire-renew ang kontrata niya.

“In all honesty, no offer yet because I think everything is still uncertain during these times and I totally understand it. I totally understand that kung wala pa pong final decision or whatever kasi mas marami pang malalaki o mahahalagang bagay kaysa sa isyu ko.

“I have no disagreement or issues with my home network and I never had. I think I’ve been really cooperative and really professional with all my dealings with them.

“I’m just really praying to God where he will lead me. I trust his plans and I leave my options open.”

John Vic ,biglang naging in demand  

Happy ang bagong Kapuso actor na si John Vic De Guzman na isa na ngayon sa mga talent ng GMA Artist Center.

Sunod-sunod ang guest appearance ng athlete-turned-actor sa online shows ng Kapuso Network upang mas lalo siyang makilala ng marami.

Nakilala bilang isa sa top volleyball players sa Pilipinas si John Vic De Guzman, at nasubukan na niya ang pagho-host, pagmo-model, pati na rin ang pag-arte sa pelikula.

“Sabi ko nga, kung may opportunity again para sa acting and then, suddenly, dumating itong si Kapuso. So, eto na ‘yung time for me siguro na mabigyan ‘yung chance ‘yung sarili ko na matututo sa acting industry.”

Cheer actor, kinasuhan ng child pornography

Inaresto ang isa sa bida ng Netflix documentary series na Cheer na si Jerry Harris para sa kasong child porno­graphy invol­ving a 13-year-old boy.

According to a criminal complaint filed in the U.S. District Court in Chicago, nakipag-trade si Harris at ang teen ng explicit photos and videos on Snapchat mula December 2018 to March 2020.

Ayon pa sa investigation, alam daw ni Harris na menor-­de-edad ‘yung kausap niya.

Nakilala raw ng minor si Harris sa cheer camp noong February 2019. Sa kuwento ng minor, sinundan daw siya ni Harris sa bathroom at pinipilit na i-oral sex siya.

Harris has not been charged with a crime in connection with the meeting in the bathroom, but he is facing one count of producing child pornography, which carries a 15-to-30-year sentence.

Ang docuseries na Cheer ay isa sa naging most watched series sa Netflix noong 2019. Kuwento ito ng 40 students ng Navarro College in Texas na naghahanda para sa National Cheerleading Championship na magaganap sa Florida.

KRIS BERNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with