^

Pang Movies

Sharon, suwerte sa mga koleksiyong alahas at relos

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sharon, suwerte sa mga koleksiyong alahas at relos
Sharon

Bongga si Sharon Cuneta, Salve, ha. Fantastic ang collection niya ng watch, at siguro nga napikon na kaya ipinakita niya na sa kanyang bashers and followers.

Pati nga ang collection niya ng alahas, kitang-kita mo sa mga suot niya na talagang isa pa ito sa mga hilig niya.

Well, binili niya sa sariling pera ang mga iyon, ipakita man niya ay walang masama.

Hindi pagiging insensitive na ipakita ang mga gamit na binili mo sa sarili mong pera at suwerte ka na meron kang ganung gamit, so ok lang.

Hindi isang kamalian na ipakita ng isang tao ang mga bagay na meron siya, kasalanan ba niya na kaya niyang bumili?

Siguro kung naging masuwerte ka, meron ka ring ganoon, eh malas mo, wala kang pambili, ‘di mag-ambisyon ka at maging masipag dahil baka sakaling magkaroon ka rin.

Sa tatlong anak na babae ni Sharon, tama lang na magkaroon siya ng koleksiyon ng relos at alahas, para later on, ipamamana niya na lang ang mga ito sa mga anak na babae.

Lucky girls, they will have the best of watches and jewelry. 

Anne, ine-enjoy ang pagiging mommy

Siguro kung ako si Anne Curtis, hindi muna ako uuwi at i-e-enjoy ko muna ang mga araw ko sa anak kong baby.

Pag umuwi si Anne, sasabak na naman siya sa trabaho, hindi na naman niya matatanggihan ang mga alok sa kanya.

I-enjoy muna niya ang time kasama ang anak nila ni Erwan Heussaff, alagaan niya muna at hintaying lumaki nang kaunti bago siya bumalik ng Pilipinas.

Kayang-kaya pa nila ni Erwan na hindi muna magtrabaho, na ma-feel ang pagiging hands on parents sa anak nila. Masaya at safe naman sila sa Australia, walang mas hihigit pa sa enjoyment na makita mo ang first talk, first walk at iba pang firsts ng baby mo. Enjoy it.

Hindi mo mamamalayang malaki na ang baby mo, sayang ‘yung precious moments mo with her kung hindi mo makikita ang mga memorable na pagbabago sa kanya mula sa pagiging baby.

Enjoy her more, Anne, showbiz can wait.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with