_pang-masa
^
Richard, kabisado na ang new normal

Richard, kabisado na ang new normal

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - September 19, 2020 - 12:00am

Bukas ay two weeks na ring naka-lock in uli sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano si Richard Gutierrez. The other night ay kinumusta ko ang aktor. Medyo matagal ang reply ni Richard dahil, “Hirap kasi minsan dahil walang (mobile) signal dito sa location namin.”

Siyempre importante rin naman sa cast, staff and crew ang mobile signal, dahil nangungumusta sila sa kanilang mga mahal sa buhay. Si Richard nga, madalas na ka-WhatsApp video call ang misis na si Sarah Lahbati at mga anak na sina Zion at Kai dahil pampawala ng lungkot bilang malayo siya sa kanyang pamilya.

So, kumusta ang taping nila? “Ok naman ang taping namin. Walang problema,” sabi ni Richard.

Matindi rin ang health and safety protocols na pinatutupad sa kanilang set, kaya safe na safe raw sila. Sanay na rin naman sila sa tinatawag na “new normal” sa taping nila dahil pangalawang lock-in na rin naman nila ‘yon sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Marami na rin daw sa mga nakunan nilang eksena ang ipinapalabas na sa Kapamilya Channel, pati sa YouTube channel at Facebook official page ng ABS-CBN, sa iWantTFC at TFC (The Filipino Channel).

Angeline, humihingi ng dasal para sa nanay na na-stroke

Ang madalas na paghiling ni Angeline Quinto ng dasal mula sa kanyang social media followers para sa kanyang nanay, si Mama Bob.

Mahal na mahal ni Angeline ang kanyang nanay, kaya sobra siyang affected ngayong may sakit si Mama Bob. Na-stroke last week ang nanay ni Angeline.

Nang maka-chat ko sa pamamagitan ng Facebook Messenger ang singer/actress, sobrang lungkot niya. Dasal nga ni Angeline na lumakas ang kanyang nanay.

Sabi ni Angeline sa chat namin, “Kuya Jun, tulungan n’yo po akong magdasal para sa Nanay ko! Naririnig po ako ni Mama Bob, sumasagot din naman po, pero hirap pa po siyang magsalita,” sabi pa ni Angeline sa chat.

Ilang mga paring malapit sa akin ang hiningan kong ipagdasal ang nanay ni Angeline, si Sylvia Ticman Quinto, kaya nagpasalamat sa akin ang singer/actress.

Hiling din namin sa readers natin na sana ay ipagdasal ang nanay ni Angeline para lalo itong lumakas dahil sabi nga ng singer/actress sa latest post niya tungkol kay Mama Bob, “I miss you Ma. Uulitin natin ito pag ga­ling mo ha. Palakas ka Mama Bob. I love you very much. Pinagdadasal ka namin lahat.”

Kalakip ng post na ‘yon ni Angeline ang throwback picture nila ng kanyang nanay na nagdi-dinner sa isang restaurant. Sobrang mapagmahal na anak si Angeline sa kanyang nanay kaya basta nagkakasakit ito, sobrang nagiging emotional ang singer/actress.

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with