^

Pang Movies

KC, mas close sa mga kapatid kay Gabby kesa kay Sharon?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mabilis na binati ni KC Concepcion ang kanyang kapatid na si Cloie Syquia Skarne nang mag-post ito sa social media ng kanyang engagement sa kanyang boyfriend ng limang taon na, si Fredrik Hill.

Ibig sabihin, maliwanag na mauunahan ni Chloe, na ikatlong panganay na anak ni Gabby Concepcion sa pinakasalan din niya noong si Jenny Syquia, ang anak na panganay ni Gabby na si KC nga.

Marami na rin namang naging boyfriend si KC, pero mukhang wala pa nga sa isip niya ang pag-aasawa.

Pero napansin lang namin, mukhang sa kabila nga ng katotohanan na iba-iba ang kanilang mga nanay, talagang close sa isa’t isa sina KC, Cloie at Garie.

Si Garie naman ang ikalawang panganay ni Gabby na anak niya kay Grace Ibuna. Pero basta nagkikita-kita sila, close sila talaga, bagama’t hindi naman masasabing lumaki sila nang magkakasama.

Napansin lang namin, mukhang mas malapit si KC sa mga kapatid niya sa ama, kaysa sa mga kapatid niya sa ina na si Sharon Cuneta.

Aywan kung papaano nga bang nangyari na mas naging close sila sa isa’t isa. Siguro dahil na rin iyon sa ginagawa ni Gabby na sinasabi sa kanila na may mga kapatid pa rin sila na dapat nilang kilalanin, iba man ang ina kaysa sa kanila.

Siguro rin iisa kasi ang kanilang naging mga hilig at propesyon. Kumakanta rin si Garie, at nagmo-model din naman si Chloe. Isa pa, mukhang mas magkakamukha sila.

Balikan natin ang engagement ni Cloie. Bagamat sinabi nga nina Cloie at Fredrik na handa na silang magpakasal, hindi naman nila sinabi kung kailan ang binabalak nilang kasal.

Bailey May, inagawan ng bisikleta

Akala ba ninyo sa Pilipinas lang talamak ang nakawan? Hindi oy! Naaalala n’yo pa ba si Bailey May, ang batang sumikat noon sa PBB (Pinoy Big Brother), na ngayon ay member na ng isang boy band sa Europe?

Nagbibiskleta siya bilang bahagi ng kanyang daily exercise, nang bigla siyang salubungin ng tatlong lalaki, kahapon lang, at inagaw ang kanyang bisikleta. Nakatakbo naman agad si Bailey, at hindi na nakuha ang kanyang cellphone. Hindi rin naman siya nasaktan. Iyon nga lang nanakaw ang mamahalin pa naman niyang bisikleta.

Kaya kayo rin mag-ingat kayo. Dahil maraming walang mapagkakakitaan ngayon, lalong dumami ang mga magnanakaw, na hindi ka lang nanakawan, baka saktan ka pa.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with