Bea mas piniling magbakasyon kesa mag-lock-in taping?!
Bea
Bea mas piniling magbakasyon kesa mag-lock-in taping?!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

Ayun, nagbigay na ng statement ang entertainment group ng ABS-CBN na Star Creatives na hindi na nga kasali sa teleseryeng Kahit Minsan Lang si Bea Alonzo.

Pagbibidahan sana ito nila ni Richard Gutierrez.

Nauna na itong nabanggit ng source na kausap ko at ngayon nga raw ay naghahanap ang unit ng ipapalit kay Bea.

Last 2017 pa ang huling teleserye ni Bea na A Love to Last kasama sina Ian Veneracion, Iza Calzado and Julia Barretto. 

Major factor daw ang lock-in taping sa pagbitiw ni Bea sa teleserye pero magbabakasyon naman daw ang actress kasama ang nababalitang boyfriend na si Dominique Roque sa Amanpulo.

Dingdong, halos binitbit ang buong bahay sa taping

Hindi itinanggi ni Dingdong Dantes na nahirapan siya sa naging lock-in taping ng Descendants of the Sun PH.

Sa panayam ng 24 Oras, aminado ang Kapuso actor na challenging ang dalawang linggong pagte-taping niya kasama ang cast at production team sa Rizal. Aniya, “Hindi siya madali. Parang kulang na nga lang, bitbitin ko ‘yung buong bahay, ‘yung buong kusina. Siyempre ang habol mo diyan kahit papaano ay ‘yung comfort mo.”

Isa pa sa naging problema niya ay ang paghahanap ng malakas na signal connection para makamusta at makausap ang kanyang pamilya. “Medyo challenging ‘yung signal sa gubat. May areas lang talaga kung saan mayroon.”

Samantala, isang malaking karangalan para kay Dingdong ang napanalunang Asian Star Prize mula sa Seoul International Drama Awards para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Captain Lucas Manalo sa serye. 

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with