Zia at Scarlet, nami-miss ang face-to-face classes
Zia
Zia at Scarlet, nami-miss ang face-to-face classes
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

Pati ang mga bata tulad nina Zia Dantes at Scarlet Belo ay mas gusto ang big school, Salve. Talagang iba pa rin ang face-to-face feeling at pumapasok sa school na nakikita mo ang classmates at ang teacher mo.

Kahit pa nga ang apo-apohan kong si MJ ay sabik na pumasok sa school. Iba pa rin talaga na kahit na nga sabihing online at ok naman ang pagtuturo, kahit bata ay nami-miss na rin ang mga ginagawa nila dati.

Cute nga na talagang hinanap nina Zia at Scarlet ang big school, at nanibago sa bagong technique ngayon para lang maging maingat laban sa coronavirus.

Hindi kataka-taka na pati ang mga bata ay talagang alam ang pandemic, kasi nga na-feel nila ang pagbabago.

Sana nga next year balik-normal na ang lahat, para maipasyal na ni Marian Rivera sa labas si Ziggy, na na-miss daw ang activities na ginagawa niya dati kay Zia. Talagang pati bata affected, bongga talaga si COVID-19.

‘Huwag puro reklamo...’

Sobra akong proud sa mga nai-encounter ko na mga tao. ‘Yung si Manong Diyaryo (supplier ko ng diyaryo) na ilang beses ko nang nabanggit dito dahil up to now, amazed ako na napag-aral nila ng asawa niyang labandera ang dalawang anak sa college, at pinahinto na siyang magtinda ng dyaryo dahil may mga trabaho na ang mga ito.

Ang isa na nagtitinda ng puto at isa na nagtitinda ng balut dito, na araw-araw bumibili ako kahit 40 pesos lang para meron silang benta, eh nagsawa si MJ sa kakakain kaya ayaw nang bumili. Para lang makatulong, sinubukan kong ibigay na lang ‘yung 40 pesos kahit wala na ‘yung balut at puto, pero tumanggi at sinabi na ok lang po, pag gusto na lang uli ni MJ kumain.

Sobra akong proud na meron talaga silang pride at ayaw ng bigay, mas gusto nilang pinaghihirapan nila.

Iyon ang mas masarap tulungan, dahil sa gitna ng hirap ay merong respeto sa sarili, hindi gaya ng iba na para bang kailangan mo talaga silang bigyan at duty mo na tulungan sila.

Sabi ko nga, gawin mo ang kahit anong puwede mong gawin para mabuhay nang hindi umaasa sa dole out, kahit anong magagawa mo habang kaya pa nang katawan mo. At nakakainis ang mga tao na panay ang reklamo, panay ang paghahanap ng ibibigay mo sa kanila eh kita mo naman na kaya pa nilang maghanapbuhay. O ‘yung akala mo ay inapi ng lipunan, tapos binigyan ng tulong pero isinugal at ipinambili lang ng alak at droga.

Sa panahon ngayon, bawal ang pangit dahil ang daming beauty clinic, bawal din ang mahirap, dahil kahit anong trabaho ay puwedeng gawin at puwedeng pa-sukin. Para mabuhay, sipag at tiyaga ang kailangan, huwag pulos reklamo.

ZIA DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with