Gabby, tahimik pa rin sa naudlot nilang Yaya… ni Marian
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

Pati pala si Gabby Concepcion ay may sariling YouTube Channel na binigyan niya ng title na Gabby Experience.

In this show kaya ihahayag ni Gabby ang kanyang reaction sa “pamamaalam” sa gagawin sana nilang series ni Marian Rivera, First Yaya?

Nasabi na ni Marian ang kanyang reason, na tinanggap naman ng mga tagahanga nila ni Gabby, dahil prioridad nga raw niya ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang dalawang anak.

The taping for the series would require Marian and the other stars of the series, plus its production staff, na ma-lock-in for around two weeks.

Okay, Gabby, let’s hear your side of this issue.

Sen. Bong, magsasalita sa mga plano

Exactly a week before his birthday on September 24, today, September 18, ni Sen. Bong Revilla.

Kaya, maituturing na advance birthday celebration niya ang first time na pakikipag-meet niya with the entertainment media, yes, after niya gumaling sa COVID-19, today.

Marami raw gustong i-discuss si Sen. Bong sa mediacon via Zoom niyang ito, yes, mga plano niya sa kanyang political career, and, of course, sa showbiz.

On his birthday this year, Sen. Bong will be exactly 53 years old.

Angelica, walang masabi sa pagiging happy ni Carlo?!

A big number, too, of Angelica Panganiban’s fans wonder how she feels na hayagan at may pagmamalaking in-announce ni Carlo Aquino na proud and happy father siya to his and girlfriend Trina Candaza’s first-born baby girl.

They did part ways, but reconciled when, two years ago, they did the movie, Excess Baggage, for Star Cinema.

Iyon nga lang, nangyari ang ‘di inaasahan, obviously, lalo na ni Angelica, who is 33 years old.

Ian at Dimples, first time magtatambal!

It’s a new team up ang magaganap between Ian Veneracion at Dimples Romana, who will reportedly be starring in a sitcom, Oh My Dad, for TV5.

Co-starring with them are Gloria Diaz and Ariel Ureta, plus Sue Ramirez.

Parang reunion movie itong Oh My Dad for Gloria and Ariel, who, in 2015, also did a series, Dream Dad, starring, too, Zanjoe Marudo.

Ask ko nga lang pala, kung ano ang reaction ni Winnie Cordero, dating ka-team up ni Ariel sa programang Umagang Kay Ganda, ngayong isang dating Miss Universe, si Gloria nga, ang ‘kumbaga,’ ipinalit sa kanya ni Ariel?

Solo host si Winnie sa kanyang bagong show, Winner Sa Life, every Saturday sa Teleradyo.

GABBY CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with